Monday, January 27, 2020

Video ng pagkakakita ng isang babae sa kanyang nawawalang kapatid, nagviral sa social media

Viral ngayon sa social media ang pagkakahanap ng isang babae sa kanyang kapatid na limang taon na umanong nawawala.
Screencap mula sa video uploaded ni Ric Oliver

Ang nasabing video ay in-upload ng netizen na si Ric Oliver at ngayon ay mayroon ng 995k views at 19k shares.

Mapapanood sa video ang isang babaeng umiiyak habang niyayakap ang isang pulubing lalaki.

Ayon kay Ric, nangyari ito sa Pateros noong January 20, alas otso ng gabi.

Kwento ni Ric, habang nakaupo sila sa sidewalk ng kanyang mga kaibigan ay tumabi raw sa kanila ang isang ‘taong grasa’. Nakaupo lamang ito at nakatulala.

Pagkalipas umano ng ilang oras ay may dumaan na isang babae at napalingon sa lalaking ‘taong grasa.’ 

Nagulat na lamang sina Ric sa mga sumunod na pangyayari.

Nilapitan nung babae si kuya, niyakap at sabay sabing, ‘Kuya naaalala mo pa ba ako?’ Umiiyak si ate at panay ang yakap niya sa lalaki,” kwento ni Ric sa kanyang caption.
Screencap mula sa video uploaded ni Ric Oliver

Limang taon na palang nawawala ang lalaki at huli itong nakita sa Batangas.

Narito ang buong post at video:

“Place:pateros latagan nights
Time around 8pm
Jan 20, 2020

Share ko lng po ung experience nmin sa latagan kagabi.

Isang lalaki n taong grasa po ang biglang umupo sa aming tabi, nakaupo lang, nakatulala. Pagkalipas ng ilang oras my babaeng dumaan, tila papasok plng sa work, bigla syang napalingon kung saan nakaupo si kuyang taong grasa, nagulat kami sa sunod na pangyayari.

Nilapitan nung babae si kuya, niyakap at sabay sabing " kuya naaalala mu pa ba ako?" 

Umiiyak si ate at panay ang yakap nia sa lalaki. Narinig ko my kausap si ate sa cp, sabi nia hbang umiiyak "nay, nakita ko napo si kuya, hindi npo ako papasok, iuuwi ko n sya jan" umiiyak na rin ung lalaki.

As per ate, 5years na plng nawawala ung kuya nia, at sa batangas pa ito nawala, kung ano man ang detalye kung bkit nwala at kung ano ngyari ay hindi na namin naitanong pa, mas pinili namin na ibigay n sa kanila yung oras nila.

Kaya q po sana i sshare ang munting video n nkuha q po sa knila,ay para magsilbing inspirasyon po sana sa iba,kung sakali po na mayroon po sila minamahal sa buhay na nawalay po sa knila,wag po sana taung mawalan ng pag asa at tiwala sa panginoon na balang araw ay mkksama po nten sila ulet..!🙏🙏🙏



***

No comments:

Post a Comment