Friday, April 24, 2020

Duterte to Trillanes: "Sabihin ko sa driver ko sampalin ka."

Muling binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Senator Antonio Trillanes IV matapos nitong batikusin ang ginagawang pagtulong ng gobyerno sa bansa laban sa Covid-19.
President Rodrigo Duterte and Former Senator Antonio Trillanes IV / Photo credit to Yahoo

Yang sinasabi ni, isa pa itong, walang alam na ugok ito si Trillanes. Nagsasalita ng trillion-trillion. Trillion na hangin. Trillion of cubic meters of air in your head. And, it is too tight that is why para kang buang na nagsasalita ng trillion,” sabi ni Duterte.

Dagdag ni Duterte, hindi na siya bababa sa level ni Trillanes kaya uutusan na lamang niya ang kanyang driver na sampalin ito.

P*tang i*a, pa rebelde rebelde ka pa diyan hindi ka pala marunong eh. Kung nanalo kayo, anong mangayari sa Pilipinas? Puro porma, puro hambog, puro hamon. At batukan mo raw ako? Sabihin ko sa driver ko sampalin ka. Ang driver ko lang utusan ko. Ang tingin ko sayo ka-level mo driver. Ulol,” sabi ng Pangulo.

Naging kontrobersyal ang Twitter post ng dating senador kung saan sinabi nitong babatukan niya ang pangulo.

Four trillion ang budget mo, tapos hahanapan mo ako ng ambag? Batukan kaya kita,” sabi ni Trillanes.

Sa nakaraang speech ni Duterte, tinanong niya ang mga kritiko kung ano ba ang kanilang naitulong o nagawa para sa bansa.

Ito lang ang tanong ko.... Ano ang nagawa ninyo para sa bayan? ’Yan lang. Kayo, what have you done for the country except to talk and criticize and talk?”


***

No comments:

Post a Comment