Saturday, April 4, 2020

Spokesman ni Robredo nagpasalamat sa pagtatanggol ni Pangulong Duterte

Nagpasalamat ang spokesman ni Vice President Leni Robredo kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos niya itong ipagtanggol sa isang miyembro ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).
Atty. Barry Gutierrez / Photo credit to MSN

Sinibak ni Pangulong Duterte si Commissioner Manuelito Luna matapos nitong imungkahi sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan umano ang ginagawang pakikipag-kumpitensiya ni Robredo sa gobyerno upang labanan ang kumakalat na virus.

Nagpapasalamat kami sa pahayag ng Pangulo na hindi kasalanan ang tumulong sa kapwa Pilipino ngayong panahon ng krisis,” sabi ni spokesman Atty. Barry Gutierrez sa isang statement.

Aniya, patuloy umano ang panawagan ng Office of the Vice President sa mga gustong magbigay ng donasyon katulad ng PPEs na kailangan ng mga doktor, nurse at iba pang frontliners.

Ipinaalala rin natin sa publiko ang mga ruta ng ating shuttle services, na makikita sa ating Facebook page, pati ang mga dorms natin para sa health workers,” sabi ni Gutierrez.

Filled to capacity tayo ngayon pero umaasa tayo na kung lalawak pa ang pagtulong ng pribadong sektor, madagdagan natin ang tulong na ating naibibigay. Tuloy pa rin po si VP Leni ngayong araw sa kanyang trabaho sa pangangasiwa ng mga proyekto natin bilang pagresponde sa COVID-19,” dagdag nito.


***
Source: Inquirer

No comments:

Post a Comment