Wednesday, April 15, 2020

Vlogger tinanggal ang OustDuterte na nakasabit sa isang overpass, pinuri ng mga netizens

Viral ngayon ang Facebook post at video ng isang Vlogger na nagpakita ng pagiging tunay na Pilipino matapos nitong tanggalin ang nakasabit na “OustDuterte” sa isang over pass sa Katipunan.
Gab Sam / Lawaran mula sa kanyang Facebook account

Sa video ay makikita si Gab Sam na umakyat sa overpass at tinanggal ang nakabanderang poster. 

Syempre ginawa ko kung ano yung dapat. Tinanggal ko at tinapon ko sa basurahan yung walang kakwenta kwentang bagay at walang magandang hatid sa lahat ng makakakita,” sabi nito.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ng vlogger na hindi solusyon sa problema ng bansa ang pagpapatalsik sa Pangulo. Aniya, pagkakaisa at tulungan ang kailangan natin ngayon.



Dagdag nito, kung hindi raw kayang irespeto si Pangulong Rodrigo Duterte bilang pinuno ng bansa ay sana igalang nalang ito bilang isang nakakatanda.

May paalala rin ito sa kanyang mga kaibigan sa Facebook kung magkaiba man ang kanilang opinyon o paniniwala.

Pakiunfriend nalang ako kung tingin mo MALI ako sa sinasabi ko at magkaiba tayo ng paniniwala at gusto mangyari!

Narito ang kanyang buong post:

“Gusto ko lang ishare:

Kahapon habang nagdadrive ako pauwi from supermarket may nakita akong di kaaya aya sa overpass sa tapat ng UP Town Center Katipunan na #OUSTDuterte.



Syempre ginawa ko kung ano yung dapat. Tinanggal ko at tinapon ko sa basurahan yung walang kakwenta kwentang bagay at walang magandang hatid sa lahat ng makakakita. Di ko lang maintindihan kung san nanggagaling yung nagsulat at naglagay nun at nageffort pa na lumabas at suwayin ang utos ng gobyerno para lang gawin yun.

Di ba nya naisip na di solusyon ang pagpapatalsik sa Presidente natin sa kinakaharap natin na problema ngayon?

Kasi ang pagkakaalam ko PAGKAKAISA yung kailangan natin ngayon at TULUNGAN at hindi pagsisisihan o siraan!


Puro reklamo at puro paninisi nalang sa Gobyerno imbis gumawa ng tama! Kung may pagkukulang man sila naniniwala ako na di ito yung tamang panahon para isumbat yun sa kanila. Dahil walang nakakaalam at nakapaghanda sa problemang to kahit yung malalakaing bansa.

Kung di natin kayang irespeto si DU30 bilang Presidente, Irespeto nalang sana natin sya bilang nakakatanda na kailangan igalang gaya ng mga nakakatanda nating kamaganak! Taas kamay sa mga BOBONG nagsasabi na pagpapatalsik kay DU30 ang solusyon sa problema natin ngayon! At sa mga puro reklamo na wala naman naitutulong!

Pakiunfriend nalang ako kung tingin mo MALI ako sa sinasabi ko at magkaiba tayo ng paniniwala at gusto mangyari!

P.S: Di po ako nagpapasikat or what! Sensya na kung magkaiba tayo ng paniniwala. Respetuhan nalang 👍🏻




***

1 comment: