Saturday, May 16, 2020

Atty. Gadon: Provisional franchise ng ABS-CBN basura

Sa ulat ng DZRH, sinabi ni Attorney Larry Gadon na ang panukala para sa provisional franchise ng ABS-CBN Network na inaprubahan ng Kamara ay basura.
Atty. Larry Gadon / Photo credit: Philstar

Ayon sa inihaing House Bill No. 6732, magkakaroon ng provisional franchise ang ABS-CBN hanggang Oktubre 31, 2020.

Sabi ni Gadon, hindi dumaan sa tamang proseso ang resolusyon at minadali umano ni House Speaker Alan Peter Cayetano kaya basura umano ito.

‘Yang ginagawa ni Speaker Alan Cayetano ay labag sa lahat ng procedure dyan sa House, kasi it violates due process,” wika ni Gadon.

Dagdag ni Gadon, dapat ay inimbestigahan muna ng Kamara ang mga ginawang paglabag ng ABS-CBN ayon sa isinampang resolusyon nina  Deputy Speaker Paolo Duterte, House Appropriations Chairman Eric Yap, at Cavite Rep. Abraham Tolentino.

Setting this aside totally is a violation of due process, kasi hindi nabigyan ng tamang pagkakataon na mapakinggan kung ano ang mga saloobin ng iba pang congressman,” sambit ni Gadon.

“Kaya ‘yang House Resolution na ‘yan na ginawa ni Speaker Alan Cayetano, ‘yan ay isang basura! Isang basura pa rin hanggang ngayon,” dagdag niya.


***
Source: Abante

No comments:

Post a Comment