Tuesday, May 19, 2020

Sherwin Gatchalian tinawag na 'manloloko at sinungaling' si Francis Leo Marcos

Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian, dapat raw ay mabulok sa kulungan si Francis Leo Marcos matapos itong madakip ng NBI nitong Martes dahil sa paglabag sa optometry law.
Senator Sherwin Gatchalian and Francis Leo Marcos / Photo credit: Rappler GMA Network

Sa kanyang Tweet, tinawag ni Gatchalian si Leo Marcos na ‘walanghiya’, ‘manloloko’ at ‘sinungaling’.

Walang hiya talaga yan. Manloloko at sinungaling. Dapat ikulong na yan at huwag pakawalan. Maraming na loko yan,” tweet ni Gatchalian.

Hinuli si Francis Leo Marcos sa bisa ng warrant of arrest na inilabas matapos siyang ireklamo ng Optometrist Association of the Philippines, ayon kay NBI Cybercrime Division chief Victor Lorenzo

Dagdag ni Lorenzo, inaaral na rin ng kanilang ahensya ang kaso ng human trafficking, estafa at violence against women case kontra kay Marcos.

Nakilala si Marcos sa social media dahil sa kanyang “Mayaman Challenge” kung saan  hinihikayat niya ang mayayaman at mga politiko na magbigay ng tulong sa mahihirap sa gitna pandemya.


***

No comments:

Post a Comment