Saturday, July 25, 2020

Atty. Rivera sinupalpal si Rep. France Castro

Sinupalpal ng Attorney Bruce Rivera si ACT Teachers party-list Rep. France Castro sa mga pahayag nitong hindi umano natupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mga pangako at palpak umano ang naging responde nito sa Covid-19.
Atty. Bruce Rivera and ACT Teachers party-list Rep. France Castro / Photo credit: Facebook and GMA Network

Ayon kay Castro, apat na taon na umanong niloloko ng Duterte administration ang mga Pilipino. Maging ang pamamahala sa Covid-19 sa bansa ay palpak umano.

Nag-ugat ang pahayag ni Castro sa sinabi ng pangulo na pwedeng gamitin ang gasolina para maalis ang virus sa mga face mask.



Iginiit naman ni presidential spokesperson Harry Roque na nagbibiro lamang ang Pangulo.

“Joke only? Apat na taon na tayong niloloko ng administrasyong Duterte sa kaniyang mga bigong pangako at ngayon sa kaniyang palpak na pamamahala laban sa COVID-19 sa bansa,” sabi ni Castro.

“Hindi rin biro ang maling impormasyon na kaniyang ipinapalaganap at ang mga epekto sa mga maniwala nito,” dagdag niya.
Photo credit: News5

Sa Facebook post ni Rivera, sinabi nitong obvious naman na biro lamang ang sinabi ng Pangulo.

Hinamon rin ni Rivera si Castro na magsabi kung sinong naging presidente ng Pilipinas ang tagumpay na tumugon sa isang pandemic.

Aniya, wala namang ibang ginawa si Castro kundi bumatikos, mang-insulto at ibagsak ang presidente.

mahiya ka sa coronavirus,” sabi ni Rivera.

Narito ang buong post ni Atty. Rivera:

"CONG. CASTRO,

Madame, alam naman natin na joke nga kasi sino naman ang gagamitin ang gasolina instead of alcohol para alisin ang veerus.



Mas mura ang alcohol kaya alam ng lahat. Ikaw lang ang pumatol. Di ba, may joke din dati na ang mga bata daw, ginagawang sundalo ng mga rebelde. Preposterous di ba??? Kasi batang sundalo? May bata bang tinuturuang pumatay? Di ba bad yun??? Ang brutal!!! Parang gasolinang disinfectant lang di ba???

Tsaka, kung palpak si PRD sa tugon niya sa COVID 19, magdala ka nga ng Presidente ng Pilipinas na naging tagumpay sa pagtugon ng isang pandemic at ako na mismo ang sasamba sa kanya. Pati si PRD siiguradong sasamba din.

At kung ang nagawa mo lang naman ay bumatikos, mang-insulto, gumawa ng ingay na walang silbi at ang solusyon mo sa problema ng bayan ay ibagsak o palitan ang presidente....mahiya ka sa coronavirus.

Kasi, pareho lang kayong gustong sumuko sa inyo ang Pangulo. Kaso, sineryoso ni PRD ang COVID19. Sana, pansinin ka din niya, Madame.

Hmph....


***

1 comment:

  1. KUDOS TO ATTY RIVERA. ANG TANONG LANG NAMAN. ANO KAYA ANG NAGAWA NG MGA SO CALLED ULTA NATIONALIST. ZERO. EXCEPT GUMAWANG INGAY. LIKE PRES RAMOS SAID: NATO (No Action Talk Only). Very consistent naman ang ingay nila for almost all past administration. HARDENED HEART NA YAN AT TALAGANG TRABAHO NA NILA YAN CONSISTENTLY.

    ReplyDelete