Wednesday, August 26, 2020

Lalaking humihingi ng pang gastos para sa anak, nagalit nang hindi matulungan ng kaibigan

May mga kaibigan tayong malalapitan sa oras ng kagipitan o pangangailangan. Ngunit may mga pagkakataon rin na kailangan maintindihan natin ang kanilang sitwasyon kung sakaling hindi nila tayo matulungan.
Photo credit: Ghelay Rangasajo Pelonia

Hindi rin tama na iaasa natin sa ibang tao ang ating mga responsibilidad sa ating pamilya. Okay lang naman ang humingi ng tulong ngunit sana ay marunong din tayong makisama.

Katulad na lamang ni Deejhay Jaymellyn Bacierra na nagalit sa kanyang kaibigan dahil hindi ito nabigyan ng tulong na hinihingi niya.



Ang matindi pa nito, hiniling pa niyang lumubog ang barkong sinasakyan ng kaibigan niyang  seaman.

Sa Facebook post ni Ghelay Rangasajo Pelonia, asawa ng kaibigan ni Deejhay, ibinahagi nito ang mga mensaheng pangungulit ng lalaki. 

Makikita sa screenshot na paulit-ulit ang sinasabi ni Deejhay at atat na atat sa tulong ng kaibigan.

Mate sabi mo July 7 k magsesend sa akin,” mensahe ni Deejhay.

Dahil hindi siya sinasagot ay dito na nagsalita ng masama ang lalaki laban sa kanyang kaibigan.

Sabi mo tutulungan mo ko Pre pinaasa mo LNG ako minsan LNG ako mgsalita pagsisihan mo n pinaasa mo ko nsa barko k pa nman sana lumubog yung sinasakyan mo minsan lng ako mgsalita pero totoo,” sabi ni Deejhay.
Photo credit: Ghelay Rangasajo Pelonia

Dahil sa nabasa ni Ghelay ay uminit ang dugo nito ngunit imbes na magalit ay ipinagdasal na lamang niya si Deejhay.

Pero sabi nga ipag pray kesa magalit. God bless pa din sa inyo ng ng baby mo!” sabi ni Ghelay.

Kwento pa niya, tutulungan naman sana talaga nila si Deejhay ngunit wala pa ang petsang pinag-usapan nila ay patuloy na ang pangungulit nito. 

I think 2nd week pa lang ng june or 3rd nangungulit ka na kahit sinabihan ka na ng date gusto mo agad agad. Kaya naman di ka napag bigyan paulit ulit mo lang din sinasabi sakin/samin na check up ng anak mo walang gatas gamot ilang linggo mo din yan inulit ulit samin.

Dagdag pa ni Ghelay, ang gusto nilang ibigay sa anak ni Deejhay ay gatas at iba pang pangangailangan nito, ngunit ang gusto naman niya ay pera daw.

Nag tanong ako kung ano milk ng baby mo at kung ilang taon na gusto ko sana padalan ng ng mas needs ng anak mo kesa pera pero ano sabi mo sakin pera na lang.

Narito ang buong post ni Ghelay:

"Ayoko mag post pero nung nabasa ko to kumulo talaga dugo ko!

Una pa lang kuya sinabi na sayo na tutulungan ka pero wag kang mag expect ng malaki dba nakausap pa kita mag antay ka. Ithink 2nd week pa lang ng june or 3rd nangungulit ka na kahit sinabihan ka na ng date gusto mo agad agad. Kaya naman di ka napag bigyan paulit ulit mo lang din sinasabi sakin/samin na check up ng anak mo walang gatas gamot ilang linggo mo din yan inulit ulit samin. So syempre kami mag iisip di mo ba kaya gawan ng diskarte. Una pa lang dba sinabi ko na di malaki mabibigay sayo. Nag tanong ako kung ano milk ng baby mo at kung ilang taon na gusto ko sana padalan ng ng mas needs ng anak mo kesa pera pero ano sabi mo sakin pera na lang, sabi ko mag antay ka dba. Sinabihan kita wala akong cash na hawak kung meron man pang gastos lang namin. Sinabi ko sayo na walang masakyan dto na kahit na ano kaya di kita agad agad matutulungan dahil bundok kami nakatira at napakahigpit dito. Tapos ngayon ayan mababasa ko. Sana nakakatulog kang mahimbing sa mga sinabi mo. Hayaan mo kalma pako nito ipag pray na lang kita imbis na magalit pa sayo! Alam mo kuya kung di lang ako nakakilala sa lord sabi ko sayo kahit nasan na lupalop ka pa pupuntahan talaga kita. Pero sabi nga ipag pray kesa magalit. God bless pa din sa inyo ng ng baby mo!”
Photo credit: 

Ayon sa comment section ng post ni Ghelay, may mga iba pang minemessage si Deejhay at humihingi ng tulong. Dagdag pa nila, bastos raw talaga ito magsalita.





***

No comments:

Post a Comment