Thursday, September 10, 2020

Babaeng nagpagawa ng 10 saranggola, prank lang pala

Viral ngayon ang post ng netizen na si Xia Jae patungkol sa isang Youtuber na nagpagawa ng sampung saranggola sa kanyang kapatid ngunit pagkatapos ay sinabing prank lang pala ito.

Ipinost ni Xia ang mga screenshots ng usapan ng kanyang kuya at ng babaeng nagpapagawa ng saranggola na si Jane Aquino.

Sa umpisa ng usapan, mukha namang seryoso si Aquino sa pagpapagawa ng saranggola. Sampung saranggola ang pinapagawa niya sa halagang 500 pesos.

Mapapansin rin na patuloy ang pangungulit ng babae kung kelan matatapos ang mga saranggola.
 Photo credit: Xin Jae
 Photo credit: Xin Jae
Photo credit: Xin Jae
 Photo credit: Xin Jae
 Photo credit: Xin Jae
Photo credit: Xin Jae
 Photo credit: Xin Jae
 Photo credit: Xin Jae
Photo credit: Xin Jae

Sa mga sumunod nilang usapan ay tila niloloko na ni Aquino ang kapatid ni Xia dahil humihingi ito ng discount kapalit ng isang halik. Hindi naman pumayag ang lalaki dahil may pamilya na ito.
 Photo credit: Xin Jae
 Photo credit: Xin Jae
 Photo credit: Xin Jae
Photo credit: Xin Jae

Noong idedeliver na ng kapatid ni Xia ang mga saranggola kay Aquino ay napakarami na nitong dahilan. 

Ang unang lugar ng kanilang meet-up ay sa isang gas station. Ngunit pagdating doon ng lalaki ay wala si Aquino. 

Humingi pa ng litrato si Aquino sa lalaki upang makasigurong dala nito ang mga saranggola.
 Photo credit: Xin Jae
 Photo credit: Xin Jae
Photo credit: Xin Jae

Nalipat sa Mcdonalds ang meeting place ng dalawa at pagdating doon ng kapatid ni Xia ay tsaka sinabi sa kanya na prank lang daw ang lahat.

Sir nasa Youtube po kayo. It’s a prankkk,” sabi ni Aquino.
 Photo credit: Xin Jae
 Photo credit: Xin Jae
Photo credit: Xin Jae

Samantala, napag-alaman na fake account o poser ang gamit ni Aquino.

Umabot narin sa 62k reactions, 17k comments at 55k shares ang post ni Xia.

Sadya talagang may mga taong masasama ang ugali at walang konsiderasyon. Kahit sa panahon ng krisis at hirap na pinagdadaanan natin ngayon ay may mga katulad parin nilang nagagawa pa ang manloko sa kapwa.

Narito ang buong post ni Xia:

“kung sino man tong babae na to baka may nakakakilala po sainyo taga PROJ 8 daw sya pero may bahay sila sa TINIO BAGONG BARRIO ! nag pagawa po sya ng sampung saranggola sa kuya ko ! nung nagawa na at didiliver na sasabihin lang "iTS A PRANK" tang ina pinaikot ikot pa yung kuya ko kahit saan saan umuulan pa !!!

tang ina nang gigigil ako gusto ko makilala tong babae na to gusto ko paliparin sa gigil ko ! Pagod at effort ang puhunan tarantado ka pinag puyatan pa para madeliver na agad sayo tapos sasabihin mo lang prank ! bilis mo mag deactivate kupal ka !

Di nya den naisip na may virus pa lumabas pa kuya ko para makpag deliver.

Sana may makakilala at masabe samen salamat po!!!!”


***

No comments:

Post a Comment