Saturday, September 5, 2020

Dahil naka-tape na ang sapatos, delivery rider binigyan ng brand new shoes ng kanyang customer

Ang online shopping ay kinahuhumalingan ng mga tao ngayon lalo na kung ang online stores/shops ay may sale o mayroong mga discount prices. Bukod kasi sa napakadaling proseso eh wala ka ng ibang gagawin kundi ang maghintay sa iyong order.
Photo credit: Wang Zhang | Facebook

Kaya naman nakakatouch ang kwento ng mag-asawang online seller at ng kanilang napakasipag na delivery rider.

Kahit na may kinakaharap tayong krisis ngayon ay hindi parin tumigil sa pagtatrabaho ang delivery rider nina Mark Zhang at Wang.

Ang mas lalong nakakahanga sa delivery rider ay kahit na sira na ang kanyang sapatos ay patuloy parin ang pagdedeliver nito ng mga order ng kanyang customer. Binalutan niya ito ng scotch tape upang may magamit parin.
 Photo credit: Wang Zhang | Facebook
Photo credit: Wang Zhang | Facebook

Sa Facebook post ni Wang, ikinuwento niya kung paano nila napasaya ang delivery rider sa simpleng regalo na kanilang ibinigay.

Marami ang humanga sa kabutihang puso ng mag-asawa at umani ito ng maraming papuri mula sa mga netizens:

Sa ngayon ay umabot na sa 124k reactions at 31k shares ang post ni Wang.

Narito ang buong post ni Wang:

"Si kuya, araw-araw nagppick-up saamin ng mga paorder namin online. Sobrang nakakaproud lang. Kahit sira na sapatos nya, go parin sa pagttrabaho para sa pamilya. Knina, nakita namin na nakascotchtape ung sapatos nya. Sabi ng husband ko " Kuya,anong nangyare sa sapatos mo?" Nahihiya si kuya na sinabing "bumigay po sir eh. Kaya iniscotchtape ko nlng".

Hubby: "sandali kuya, halika,upo ka." Sabay hanap ng sapatos. Sinuggest ko airmax 270 na best seller namin.

Hubby:" anong size mo ba kuya?"

Kuyang J&T: (nahihiya, nakayuko) size 9 po sir

Hubby:" Oh kuya, palitan mo na yan. Suot mo to."

Kuyang J&T: (di man nya sabihin pero Kita namin sa mga mata nya ang tuwa) maraming salamat sir, mam.

Hubby:" sakto ba? O maluwag?"

Kuya: " Sakto Lang po". Salamat po ulit sir mam.

Sana napasaya ka namin kuya. D kna mahihirapan sa butas na sapatos mo.

Lesson: Minsan nagrereklamo pa tayo sa kung anong meron tayo without thinking na yung iba mas nahihirapan pa kesa sayo. Na yung mga bagay na meron ka ngayon, pinapangarap palang ng iba sna sila meron din. Kaya dapat ,imbes na magreklamo tayo kung anong meron, magpasalamat nlng tayo."

Narito ang komento ng ibang netizens:




***

No comments:

Post a Comment