Monday, September 14, 2020

Isang lolo na nakasabit ang mga paninda sa mismong katawan, tinulungan ng mga netizens

Mabilis na nag-viral ang larawan ng isang lolo na nakasabit ang mga paninda sa kanyang katawan. Dahil dito, maraming mga netizens ang naawa at nagpaabot ng kanilang mga tulong.

Sa Facebook post ng netizen na si Daryl Bontia, ibinahagi nito ang larawan ni lolo habang nakasabit sa jeep. Makikita naman ang mga biskwit at at candy sa katawan ng matanda.

Kinilala ang lolo na si Cirilo Almona, 62, taga Pasig City.

Ayon sa post ni Daryl, namumuhay nalang ng mag-isa si lolo Cirilo.



May asawa pa si lolo Cirilo ngunit bihira silang magkita dahil mnamamasukan ito. Umaabot pa ng taon, bago sila magpangita muli. 

Walang sariling tirahan ang matanda kaya nakikisilong lamang siya sa kanyang kaibigan. Hindi rin pinalad na magkaanak si lolo Cirilo kaya naman walang ibang sumusuporta sa kanya.

Sa kanyang edad, hindi biro ang maghapong paglalako at pagsabit sa jeep ni lolo Cirilio. Lalo na sa panahon ngayon na may lumalaganap na sakit sa ating bansa.

Sa post ni Daryl, inilagay niya ang mga detalye kung papano matutulungan si lolo Cirilo. 

Hindi naman sila nabigo sa pangangalap ng tulong. Katunayan, naipamili na nina Daryl at lolo Cirilo ang mga padala ng netizens.

Sa ngayon ay umabot na sa 76k reactions, 2.1k comments at 54k shares ang post ng netizen.



Narito ang buong post ni Daryl:

“Pag may nakita kayo na gan'to at may extra naman kayo, just buy. 

Edit: Maraming salamat po sa lahat ng nag PM at gustong tumulong kay tatay, kasama ko po ngayon si tatay galing kami namili sa Super8 sa Rosario. At naibigay ko na po kay tatay yung mga nagpadala.

Si tatay po ay 62 years old, mag Isa sa buhay, nakikittira at nakikitulog sa kaibigan, Wala daw po siyang anak at ang asawa nya naman ay namamasukan pong katulong at once a year lang sila kung magkita ng kanyang asawa,
May sakit din si tatay kaya naghanap buhay siya pambili ng pagkain at gamot. Si tatay po ay taga Rosario Pasig City.

Sa lahat pa po ng gustong tumulong pwede nyo po ako kuntakin or kasi tinuro ni tatay sa akin ang bahay nya, di nya alam number dun basta sabi nya may Ice Plant daw, blue yung color ng gate.
Gusto niya din daw po humingi ng tulong kay Kuya Will para sa gamot nya.



Maraming salamat po sa lahat ng nag share at tumulong kay tatay, pati na din sa lahat ng tutulong palang kay tatay maraming salamat po, hindi ko po inaasahan na madami makakapansin sa post ko, MARAMING MARAMING SALAMAT PO

Edit again: nakuha ko po number nung tinitirahan ni tatay, PM po kung gusto makausap si tatay.”

Narito naman ang ilang komento mula sa post ni Daryl:








***

No comments:

Post a Comment