Friday, November 13, 2020

Congresswoman Princess Bai Rihan Mangudadatu Sakaluran dinepensahan si Pangulong Duterte patungkol sa #NasaanAngPangulo

Dinepensahan ni Congresswoman Princess Bai Rihan Mangudadatu Sakaluran si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa kanyang mga kritiko patungkol sa #NasaanAngPangulo matapos pinsalain ng bagyong Ulysses ang ilang lugar sa Pilipinas.
Congresswoman Princess Rihan Mangudadatu Sakaluran and President Rodrigo Duterte / Photo credit: Facebook and Richard Madelo / Presidential Photographers

Sa kanyang personal Facebook page, pinangaralanan ni Sakaluran ang mga reklamo ng reklamo at hanap ng hanap sa pangulo at sinabing may mga nakatalagang ahensiya ng gobyerno ang dapat nila unang hanapin.

Kaya nga po meron tayong tintawag na LOCAL GOVERNMENT UNIT nandyan ang Barangay Kapitan, Disaster Risk Reduction and Management Council, PNP, BFP, Municipal or City Councilors, Municipal or City Mayors sila po yun una natin tawagin hindi po ang Pangulo,” saad ni Sakaluran.

Aniya, dapat raw ay ‘ma-aapreciate’ natin ang mga ginagawang hirap at pagod ng ating mga leader dahil ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para sa ating bayan.

Dagdag pa niya, imbes na magreklamo ay dapat magdasal nalang para sa kaligtasan ng bawat isa at gumawa nalang ng paraan upang makatulong sa ating mga kababayan.

Narito ang kanyang buong post:

“I saw various posts on facebook, tiktok, twitter #nasaanangpangulo and all other people complaining na nasaan ang gobyerno, bat wala ginagawa ang gobyerno, walang tulong na dumarating galing gobyerno. 

Yun reklamo po ng reklamo please sa mga kababayan natin ieducate po natin ang ating mga sarili. 

Una una sa lahat pag may calamity sa lugar ninyo po HINDI PO ANG PANGULO ANG UNANG HAHANAPIN NIYO.

Kaya nga po meron tayong tintawag na LOCAL GOVERNMENT UNIT nandyan ang Barangay Kapitan, Disaster Risk Reduction and Management Council, PNP, BFP, Municipal or City Councilors, Municipal or City Mayors sila po yun una natin tawagin hindi po ang Pangulo. Sila po yun unang una na mag aaction at nandyan para sa ating bayan. 

Pangalawa, sana iappreciate po natin ang hirap at pagod ng ating mga leaders din. Philippine Government is far from being perfect but everyone is doing their job and best. 

At panghuli, instead po mag sige complain tayo at post sa facebook, twitter at tiktok ng mga reklamo sa gobyerno, how about lets pray for the safety of everyone at gumawa tayo ng paraan na lang na makatulong sa ating mga kababayan. Kung ayaw niyo po sa ating Pangulo thats okay po. That is your opinion and should be respected but please this is not the time to keep on politicizing, critizing and pinpointing. Ito po un oras na dapat tayong mga Pilipino ay nagkakaisa at nagtutulungan.

God Guide and Bless everyone. Lets put out our Filipino Spirit. kahit ano pang bagyo o sakuna ang dumating tayo ay Pilipino na hindi matitinag, hindi susuko at puno pa rin ng pagmamahal at kasiyahan
P.S. i’m not being a DDS here po. I’m just sharing my own opinion po and gusto ko lang po ay maging united po tayong lahat. Let’s spread Love and Positivity po.”

I saw various posts on facebook, tiktok, twitter #nasaanangpangulo and all other people complaining na nasaan ang...

Posted by Congresswoman Bai Rihan Mangudadatu Sakaluran on Thursday, November 12, 2020


***

No comments:

Post a Comment