Wednesday, January 20, 2021

Bagong silang na sanggol, nahiwa ng doktor ang mukha matapos gawin ang C-section operation

Sobrang nanlumo ang isang ina nang makita ang kanyang bagong silang na sanggol na may hiwa sa mukha matapos aksidenteng mahiwa ito ng doktor gamit ang scalpel sa isinagawang caesarean operation.


Ito ang nakakagulat na pangyayari kay Darya Kadochnikova, 19, matapos siyang mapilitang magpa-caesarean dahil sa pag “changed position” umano ng baby sa loob ng kanyang tiyan.

Natural birth talaga dapat sa public hospital ang plano ni Darya ngunit sinabi sa kanya ng doktor na mas ligtas daw ang C-section.
Darya Kadochnikova / Photo credit: Central European News

Ginamitan si Darya ng IV anaesthetic upang kumalma matapos hindi gumana ang epidural anaesthetic.

Ayon sa Russian media, sinabi ng mga medics na hindi dapat “masyadong malikot” ang baby habang isinasagawa ang operasyon.
Darya Kadochnikova / Photo credit: Central European News
Darya Kadochnikova / Photo credit: Central European News

Marahil ito ang naging sanhi ng pagkahiwa ng doktor sa mukha ng sanggol.

Kasalukuyan namang umiinom ng antibiotics si Darya dahil sa mataas na lagnat matapos ang C-section.

Sa ngayon ay okay na ang baby at nagbre-breastfeed na kay Darya.


***
Soure: The Sun

No comments:

Post a Comment