Friday, January 15, 2021

Pusong sugatan ay maaaring maging daan, upang ang pangarap ay iyong makamtan!

Pagdating nga naman sa kwentong hiwalayan ay samu't saring istorya na ang ating narinig. Mula sa pagiging "nagger" ni girl kaya iniwan ni boy. Hanggang sa pagiging lasinggero ni boy dahilan naman ng pagliban ni girl.

Ilan lang yan sa mga kadalasan nating naririnig. Gaya na lang ng istorya ng isang dalagitang ito, na iniwan dahil sa kanyang timbang at laki.

Kamangha-mangha ang babaeng ito na kahit naiwang broken-hearted ng taong mahal niya ay nagawa niya parin itong inspirasyon para sa kaniyang sarili.

Siya ay walang iba kundi si Que Huong, isang 19-taong-gulang na batang babaeng naiwan ng dati niyang kasintahan dahil sa pagkakaroon nga mabigat na timbang at kalakihan ng katawan.

Nakakagalit nga naman ano?

Ayon sa dalaga, hindi niya inaasahan na magiging flight attendant siya dahil sa kanyang taglay na pangangatawan at hindi kanais-nais na timbang noong siya ay nagdadalaga.

Sinabi ni Que na tumimbang siya ng 75 kilo o 165 pounds at may taas na 5’3 ”.

Dahil sa kanyang pisikal na hitsura, hindi siya nakaligtas sa mga mapang-api at mapang-husgang mata ng iilan. Dumating pa sa puntong halos ayaw na niyang tumingin at makita ang sarili sa salamin. 
Larawan mula sa huffingtenpost.com

Ngunit hindi nagwagi ang mga humusga at lumait sa kanya. Ang lahat ng mga pangungutya ay pilit na nilagpasan ni Que at tinuring niya itong isang pagsubok. Nanatili sa kanyang isip, na siya ay katanggap tanggap at kuntento sa kung anong ipinagkaloob sa kanya.

Ang kumpiyansang ito ang naging dahilan kung bakit siya ay nagkaroon ng "love-life". Ngunit ito'y nagtapos sa hindi magandang paraan. Bukod sa pangangatawan, napag-alaman ni Que na habang sila'y "in a relationgship", siya ay niloko ng kanyang nobyo at nagkaroon ng ibang kasintahan.

Sakit at pagkabigo ang naramdaman ng dalaga, ngunit sa kabila ng lahat ng ito. Muling naging matatag si Que at hinarap ng buong tapang ang kanyang naging karanasan at nagpatuloy sa kaniyang buhay.

Ngunit dumating ang araw, hindi niya inaasahan na ang pagiging broken-hearted ang magiging daan para magpapayat siya.
Larawan mula sa huffingtenpost.com

Naging inspirasyon kay Que ang mapait na karanasan upang magsimulang muli. Dahil dito, sumagi sa kaniyang pagiisip ang ideyang magpunta sa gym upang ibuhos ang stress at lahat ng hinagpis. Matapos ang kanyang pagsusumikap at pagtitiyaga, halos 20 kilo ang nawala sa kanya.

Napakalaki ng ibinaba nito mula sa kanyang orihinal na bigat na 75 kilo pababa sa 57 kilo!

Ngayon, ay tila isang bago at pinagandang Que na ang humaharap sa kanyang salamin araw-araw. Bukod dito, ang ating bida ay isa na ngayon ganap na flight attendant!

Kamangha-mangha diba?
Larawan mula sa huffingtenpost.com

Isang kwentong pag-ibig na hindi man nauwi sa "happy ending" ay naging paraan naman, upang mapagtanto na ang pagmamahal sa sarili, ay mas importante higit sa kanino man.

Ang istoryang ito ay unang naitampok sa Artista PH.

Source: huffingtenpost.com

No comments:

Post a Comment