Wednesday, February 10, 2021

Motovlogger, matapang na inusisa ang lihim na transaksyon ng mga kababaihan sa Avenida.

Isang content creator at YouTuber na si John Jerico Jacob ang walang takot na binaybay ang kahabaan ng Avenida, Recto sa lungsod ng Maynila. Upang alamin at usisain ang palihim na pag alok ng serbisyo ng ilang kababaihan na nag kukubli sa kailaliman ng gabi.

Matapang na gumawa ng YouTube video si John Jerico upang magbigay ng paalala at babala sa kaniyang mga subscribers tungkol sa patuloy na pagsasagawa ng palihim na kalakarang ito sa Avenida.

Imahe mula John Jerico Jacob | YouTube


Ang video ng nasabing motovlogger ay mabilis na kumalat sa social media at tumabo ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizens.

Aniya, ito ay upang magbigay impormasyon at kaalaman ukol sa ipinagbabawal na kalakaran.

Imahe mula John Jerico Jacob | YouTube


Sa una ay tila nahihirapan ang vlogger na matukoy ang mga kababaihan mula sa kaniyang pagiikot sa tila kakaibang hitsura ng Avenida ngayon na taliwas sa mga nakaraang kadalasan ay madumi at maraming tao na nagkalat sa lugar.

Imahe mula John Jerico Jacob | YouTube


Ngunit matapos ang ilang minuto ng pag kukunwari at pansamatalang pagtigil sa iba't ibang lokasyon. Sa isang madilim na bahagi ng lugar ay may isang babae ang lumapit kay John Jerico.

Imahe mula John Jerico Jacob | YouTube


Walang pag aatubiling itinanong nito kung gusto no vlogger ng babae.

Sa pagkakataong ito ay nagsimula na ang pag uusap ng dalawa at paguusisa ni John na tumagal ng halos limang minuto.

Imahe mula John Jerico Jacob | YouTube

Imahe mula John Jerico Jacob | YouTube

Imahe mula John Jerico Jacob | YouTube

Imahe mula John Jerico Jacob | YouTube


Nang makahanap ng pagkakataon ay umalis na si John Jerico at iniwan ang nasabing babae.

Mabilis na nagpaandar ng kanyang motorsiklo si John at nang makalayo ang saka niya inilathala ang kaniyang naging karanasan.

Imahe mula John Jerico Jacob | YouTube


Halatang halata ang kaba at nerbyos habang nagsasalita sa video si John. Matapos nitong makompirma ang lihim pagkagat ng dilim sa kahabaan ng Avenida.

Imahe mula John Jerico Jacob | YouTube


Maka-ilang ulit pinaalalahan ni John Jerico Jacob ang kaniyang mga subscriber na maging maingat at mapagmatyag.

Sa huli ay mariin niyang sinabi na magisip ng mabuti ang mga kalalakihan kung sakaling mag krus man ang landas nila ng babaeng nakausap ni John. Dahil malaking posibilidad na pagsisisihan mo lang ito sa huli.

Napagtanto rin niya kung gano kahirap ang buhay, dahilan para pasukin ng mga pobreng mamamayan ang gawaing ito.

Imahe mula John Jerico Jacob | YouTube

Imahe mula John Jerico Jacob | YouTube


Halo-halo ang reaksyon ng mga netizens sa vlog na ito at karamihan dito ay paghanga, lalo na sa pagbunyag ni John patungkol sa patagong kalakaran.

Source: John Jerico Jacob | YouTube

No comments:

Post a Comment