Saturday, April 10, 2021

Buwis buhay na pagsisid ng isang matandang lalaki sa baradong kanal, nakuha sa video

Para sa mga kapos sa buhay at walang mapagkukuhaan ng pera, kahit na anong klase ng trabaho o pagkakakitaan ay kanilang papasukin. Minsan, kahit na ito ay delikado o hindi kaaya-aya ay hindi na mahalaga para sa kanila. Ang importante ay mayroon silang maipambibili ng pagkain.
Photo credit to the owner

Katulad na lamang ng isang matandang lalaki na sumisisid sa ilalim ng baradong kanal na ikinagulat ng mga netizens.

Sa Facebook page na “Loading TV”, mapapanood ang 37-second-video na mayroong caption na “TINGNAN; buwis buhay napag sisid ng isang matanda sa baradong kanal. Sa hirap ng buhay kahit ano papasukin ni tatay para sa kanyang pamilya. Marangal na trabaho ngunit napakahirap para sa isang matanda tulad nya.”
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Kitang kita sa video ang maruming tubig at dami ng basurang nakuha sa kanal. 

Hindi alintana ng matanda ang dumi at mabahong amoy ng kanal dahil talagang sumisisid ito makuha lamang ang mga basura.

Panoorin ang buong video sa ibaba:

Patunay ito ng kahirapan ng buhay na kinakaharap ng ilang mga Pilipino. Isa lamang ito sa mga uri ng trabaho na pinapasok ng ating mga kababayan upang mairaos ang kanilang pang araw-araw na pangangailangan.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Narito naman ang ilang komento ng mga netizens:







***

No comments:

Post a Comment