Friday, April 16, 2021

Dating sikat na dancer ni Kuya Wil na si Luningning, Ano na kaya ang buhay ngayon?

Lea Carla Santos sa totoong buhay o mas nakilala ng lahat bilang si Luningning na dating miyembro ng ASF dancers ng programa ni Kuya Willie Revillame dati sa ABS-CBN na Wowowee.

Batang-bata pa siya noong magsimulang magtrabaho bilang dancer sa TV nasubukan niya rin noon ang pagiging entertainer sa Japan. Kaya naman ngayon ay napakaganda na ng buhay niya.

Luningning_08 | Instagram


Isa sa mga pinaka sikat na local dancer dito sa Pinas si Luningning noong mid 2000's at talaga naman sumikat sa masa dahil sa angking galing nito sa pagsasayaw at paggiling araw araw sa programang Wowowee.

Tanyag sa kanyang maiinit na dance moves na may kasamang cartwheel at sabay isplit, halos lahat ng nakakaindak at usong uso musika nuon ay talaga namang kayang kaya niyang sabayan.

Luningning_08 | Instagram

Luningning_08 | Instagram


Ngunit hindi rin nagtagal ang kasikatan ni Luningning dahil nang nawala sa ere ang Wowowee ay nawala na rin siya sa industriya ng showbiz at mas pinili na lamang mamuhay ng normal at simple.

2010 nang mawala sa ere ang programang Wowowee at mula noon ay wala ng naging balita kay Luningning.

Samantala, kailan lang ay muling binuksan ng magaling na dancer na si Luningning ang kanyang buhay sa publiko.

Luningning_08 | Instagram

Luningning_08 | Instagram


Ito ay matapos magbahagi ng mga larawan niya sa kaniyang Instagram kung saan makikita mo rito na napakasaya niya sa kaniyang buhayn ngayon.

Nawala man sa mga mata ng kanyang mga tagahanga sa telebisyon, ay hindi huminto sa pagsasayaw si Luningning. Mula ng iwanan ang showbiz ay nagtayo ito ng sarili niyang negosyo. Isang fitness studio kung saan ay maibabahagi niya parin ang kanyang talento sa pagsasayaw.

Luningning_08 | Instagram

Luningning_08 | Instagram


Sa ngayon nga ay pagmamay-ari niya ang isang studio na may pangalan na “Stardanz Fitness Studio”. 

Ang studio ni Luningning ay maraming mga inooffer na pang ehersisyo lalo na para sa mga kababaihan tulad na lamang ng Aeril Silk, Belly Dance, Kali Pole, Stilettos, Jazz Dance, Dance Fitness, Hoops, at Pilates.

Bukod sa hilig sa pagsasayaw at pag eehersisyo, ang dahilan ng pagpili ng negosyong ito ng dating sikat na dancer ng Wowowee ay ang layuning maging maalaga sa kanilang pangangatawanan ang bawat lalahok dito.

Luningning_08 | Instagram


Matatandaang na-feature sa tanyag na FHM magazine si Luningning dahil sa angking ganda at hubog ng katawan nito, na isa ring maituturing na higlight sa kanyang karera noon.

Para naman sa mga nagtatanong na kalalakihan si Luningning ay nanatiling single at sinasabi niya na kahit wala pa siyang lovelife ay masaya siya sa kaniyang buhay.

Source: theartikulouno.com

No comments:

Post a Comment