Friday, April 16, 2021

Installment na helmet, naging libre para sa lalaking nagtitinda ng kutsinta

Hindi pa rin talaga mawawala ang mga taong may busilak na puso at may mabubuting kalooban kahit na mayroong pinagdaraan ang bawat isa sa atin ngayong panahon ng pandemya.
Photo credit: Catherine Ilarina Yap

Ikinagalak ng mga netizens ang Facebook post ni Catherine Ilarina Yap, matapos nitong bigyan ng libreng motorcycle helmet ang isang tindero ng kutsinta.

Ayon kay Catherine, nakiusap raw sa kanila ang tindero na kung pupwede ay installment ang bayad nito sa bibilhing helmet.

Noong una ay medyo nag alangan sina Catherine ngunit pumayag din sila.

Ngunit sa huling araw na hulog ng tindero ay napagdesisyunan nina Catherine na ibalik na lang sa lalaki ang perang hinulog nito sa kanila.

Last day ng hulog ni tatay napag desisyunan namin ni Chong Paeng na ibabalik namin kay tatay yung bayad nya. So pagkuha ni tatay ng helmet may free (ampao emoticon) na din sya,” sabi ni Catherine.
Photo credit: Catherine Ilarina Yap
Photo credit: Catherine Ilarina Yap

Sa comment section ay nagpasalamat naman ang asawa ng tindero sa kabaitan nina Catherine.

Aniya, “Sobrang thankful po kami sa kabaitan nyo maam.. ako po ung asawa nya, arvin gazan name nya.. at ito pa rin po ung ampaw at pera na laman hindi ko po ginagastos pampaswerte po sa bag ko. Napakabait po ninyo.. more blessings po sa business nyo..”


Narito ang buong post ni Catherine:

“Ride safe Tatay (nakalimutan namin ang name)

1 day si tatay na nagtitinda ng kutsinta nag inquire samin if pwede na ang installment sabi namin hindi pa pwede nakiusap si tatay at kukunin nalang daw nya ang helmet pag fullypaid na sya. So pumayag na kami, hinulugan ni tatay yung helmet for 3 days. Last day ng hulog ni tatay napag desisyunan namin ni Chong Paeng na ibabalik namin kay tatay yung bayad nya. So pagkuha ni tatay ng helmet may free (ampao emoticon) na din sya. At ang laman eh yung hinulog nya samin ng 3 days. 

Ridesafe po tatay at Ingat palagi. Godbless 

Salamat sa pagbisita sa RT GEAR MOTO Accessories”


Umani naman ng papuri mula sa mga netizens si Catherine at ang asawa nito.





***

No comments:

Post a Comment