Wednesday, April 7, 2021

Isang licensed professional teacher mas piniling maging waiter sa ibang bansa: "I’ve swallowed all my pride"

Minsan, kahit anong pagpaplano natin sa ating buhay ay hindi ito nangyayari dahil mayroong ibang nakatadhana para sa atin. Hindi man ito ang ating ninanais na mangyari ngunit ang importante ay naabot natin ang ating mga pangarap.
JM Papa / Photo credit: Facebook

Ito ang ibinahagi ng isang netizen na si JM Papa, isang professional licensed teacher ngunit mas piniling maging isang waiter sa ibang bansa para lang maabot ang kanyang pangarap at matulungan ang kanyang pamilya.

Si JM ay nakapagtapos sa isa sa mga prestihiyosong unibersidad sa Pilipinas, ang De La Salle University- Dasmariñas noong 2015.

Sa parehas na taon ay nakuha rin ni JM ang kanyang license bilang isang professional teacher.

Kwento niya, naging consistent ang kanyang pagiging university at government scholar. Sa dami ng kanyang achievements ay talagang proud na proud ang pamilya niya sa kanya.
JM Papa / Photo credit: Facebook

Ngunit dahil mababa lamang ang sahod ng isang guro, napilitang mangibang bansa ni JM. Nagtungo siya sa Middle east at ang kanyang naging trabaho doon ay isang waiter.

Pinagsisilbihan niya ang mga Arabo sa isang casual-dining restaurant.

“From a high-achieving individual to a waiter,” sabi ni JM. 

Aniya, minsan ay tinatanong rin siya ng kanyang mga kasamahan kung bakit mas pinili niya ang pagiging waiter samantalang napakaganda ng kanyang propesyon.

Sagot niya, mas pinili niya raw ito dahil nais niyang matupad ang kanyang mga pangarap at ng kanyang pamilya.

Kaya naman nilunok na lamang daw ni JM ang kanyang pride at ipinagpatuloy ang pagiging waiter.

Dagdag pa niya, hindi raw niya minamaliit ang pagiging waiter ngunit minsan raw ay nararamdaman niyang napakaliit at napakababa niya.
JM Papa / Photo credit: Facebook
JM Papa / Photo credit: Facebook

I’m not belittling waiters all over the world, I actually have a high respect for them and I salute all the OFWs out there who sacrificed themselves just to give a better life for their families,” sabi ni JM.

Ngunit sa paglipas ng panahon ay unti-unti na niya itong natanggap sa sarili at ngayon ay nakabili na siya ng bahay sa isang subdivision para sa kanyang pamilya at nakakuha ng insurance.

at first, tbh, I felt really small & pitied myself. But, as the time went by, I was able to slowly accept it especially when I finally purchased a house unit in a subdivision for my family & got insurances using the money I’ve earned from being a waiter. It’s not bad at all to sometimes swallow your pride for your dreams,” dagdag nito.

Gayunpaman, hindi pa rin nakuntento si JM sa kanyang posisyon. Makalipas ang tatlong taong pagiging waiter ay hindi man lamang daw siya na-promote sa kabila ng kanyang pagsisikap at pagiging isang mabuting empleyado.

Kaya naman naghanap siya ng ibang oportunidad at sa awa ng Diyos ay nakalipat siya sa isang prestihiyosong kumpanya sa Kuwait bilang isang Human Resource Coordinator.

Laking pasasalamat pa rin ni JM dahil naging ‘stepping stone’ umano niya ang pagiging waiter.

Muling nagbalik ang kumpyansa niya sa kanyang sarili dahil mayroong muling naniwala sa kanyang mga kakayahan.

Aniya,“Life is indeed like a wheel. Sometimes, you’re up, sometimes, you’re down. Just keep on moving forward, continuously try to be the best version of yourself day by day & always see situations with a silver lining.”
JM Papa / Photo credit: Facebook

Basahin ang kanyang buong post sa ibaba:

"Disclaimer: This post is  quite lengthy but I assure you, it’s WORTH-READING. So, have the patience & time to read it all through.

I’m a graduate of Secondary Education major in English in one of the prestigious universities in the Philippines, De La Salle University-Dasmariñas, batch 2015 & in the same year, became a Licensed Professional Teacher. Moreover, I was a consistent 100% university scholar and government scholar as well. I was an active college student, joining every thing I think I’m good at such as singing, dancing, acting, leading, cheerleading, etc. Not bragging, but I’ve achieved enough to make me & my family so proud and I’ll forever be thankful to almighty God who made all these possible. 

But, where I am right now? 

Currently here in the Middle East, serving the arabs in a casual-dining restaurant, treated like nothing but just a servant. From a high-achieving individual to a waiter. When I started working as a waiter, my co-workers were always questioning my decision. You could’ve been teaching in a public school in the PH but why did you choose to be a waiter in Kuwait. It’s solely because of my dream not only for myself but most especially for my family.

I thought about the salary, it’s a doubled salary of a  public school English teacher & it indeed enticed me. I’ve swallowed all my pride & took the chance to earn more. Just to make myself clear, I’m not belittling waiters all over the world, I actually have a high respect for them and I salute all the OFWs out there who sacrificed themselves just to give a better life for their families. at first, tbh, I felt really small & pitied myself. But, as the time went by, I was able to slowly accept it especially when I finally purchased a house unit in a subdivision for my family & got insurances using the money I’ve earned from being a waiter. It’s not bad at all to sometimes swallow your pride for your dreams. To everyone who knows me personally, sorry if I tried to hide this fact. I’m not just really proud of what I’ve become after all the achievements I had.

This experience truly humbled me, unfortunately, to the extent that I’m not confident enough to apply for a higher & better position than a waiter. Tbh, it crashed all the confidence I’ve gathered from my achievements ‘cause I was barely recognized by our company as a good employee. I didn’t even get a promotion in 3 years of working so smart & hard. I felt untrusted and like incapable of being a manager. But, I’ll forever be still thankful despite all these ‘cause I was able to become what I am right now. 

Now, in God’s grace & mercy, I’m just waiting to be transferred to my new company. I got in a prestigious  general trading & construction company in Kuwait, hired as a Human Resource Coordinator. I got my confidence back since someone believed in me again. I’ll forever be thankful and I promise to do everything I can to help the company to grow more.

Life is indeed like a wheel. Sometimes, you’re up, sometimes, you’re down. Just keep on moving forward, continuously try to be the best version of yourself day by day & always see situations with a silver lining."

Narito ang ilang komento ng mga netizens:




***

No comments:

Post a Comment