Tuesday, May 25, 2021

Larawan ng isang amang bumibili ng sapatos para sa anak na ilang taong pinag-ipunan, viral sa social media

Ang pagkakaroon ng mabubuti at mapagmahal na mga magulang ay maituturing na isang yaman. Ang mga anak na mayroong responsableng ina at ama ay tunay na napakaswerte.
Photo credit: Heaven Elements

Kaya naman agad na nag-viral ang mga larawan ng mag-ama na bumibili ng sapatos sa isang shop.

Sa Facebook page na ‘Heaven Elements’, ibinahagi nito ang mga larawan ng isang matandang lalaki kasama ang anak nito habang bumibili ng sapatos.

Makikita sa larawan ang matandang lalaki na binibilang ang mga baryang naipon pambayad sa sapatos na pangarap ng kanyang anak.

Ayon sa post, ilang taon umanong inipon ng lalaki ang perang kanyang binibilang.

Dagdag pa sa post, bakas raw sa mukha ng matanda ang saya at ngiti dahil maibibigay na niya ang inaasam asam na sapatos ng kanyang anak.
Photo credit: Heaven Elements
Photo credit: Heaven Elements

hanggat nabubuhay daw sya ay gagawin nya lahat para mapasaya ang kanyang mga anak at itataguyod sa marangal na paraan..” ayon sa post.

Basahin ang buong post sa ibaba:

"Guys! Pasikatin natin itong si tatay, binili nya ng sapatos yung anak nya na ilang taon nyang pinag ipunan sa alkansya, habang binibilang nya yung mga barya sa counter bakas sa mukha ni tatay ang saya at ngiti dahil nabili nya yung pinaka inaasam ng kanyang anak na sapatos, hanggat nabubuhay daw sya ay gagawin nya lahat para mapasaya ang kanyang mga anak at itataguyod sa marangal na paraan.. Wow! dakila ka tatay, saludo kami sa'yo nawa'y marami pang blessings ang dumating sa buhay nyo.."
Photo credit: Heaven Elements

Tunay nga namang napaka swerte ng mga anak na may mabubuti at mapagmahal na mga magulang. Kaya pahalagahan natin ang ating mga magulang na siyang nag-aruga at nagpalaki sa atin.

Basahin ang ilang komento ng mga netizens:






***

No comments:

Post a Comment