Friday, June 11, 2021

Magnanakaw, tumae pa sa kwarto matapos tangayin ang gamit ng biktima

Viral ngayon ang post ng isang netizen matapos pasukin ng magnanakaw ang kanyang tirahan at kunin ang mga gamit. 
Photo credit: Cedie Regalado

Mabilis na nag-viral ang Facebook post ni Cedie Regalado hindi dahil sa nangyaring pagnanakaw sa kanya, kundi dahil nag-iwan pa ng tae o dumi ang magnanakaw sa kanyang kwarto.

Ibinahagi ni Cedie ang larawan ng butas na net kung saan pumasok ang magnanakaw. Kasama rin sa larawan ang nakakasuka at nakakadiring dumi ng magnanakaw.

Nakuha kay Cedie ang kanyang laptop, cellphone at bluetooth speaker.

Galit na galit ang netizen dahil bukod sa nanakawan na siya ay maglilinis pa siya ng duming iniwan ng magnanakaw.
Photo credit: Cedie Regalado
Photo credit: Cedie Regalado

Sa ngayon ay umabot na sa 23k reactions, 5.8k comments at 51k shares ang post ni Cedie.

Narito ang kanyang buong post:

“Waw nakuha mo yung laptop ko, phone ko Bluetooth speaker ko tumae kapa sa kwarto ko, kapal naman ng mukha mo walang hiya amp*ta ako pa nag linis ng tae Moooo ! may Cr naman kami dito jusq, sinira mo pa yung screen namin para makapasok ka dito. guys ingat kayo lagi madaming mag nanakaw ngayon. mga 3:30 Am ito nangyare.”
Photo credit: Cedie Regalado

2019 pa nangyari ang nasabing post ngunit hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pag-share at pag-comment ng mga netizens.

Narito naman ang komento ng mga netizens:







***

No comments:

Post a Comment