Friday, June 4, 2021

Volunteer, namura at dinuro-duro pa umano ng isang babaeng humihingi ng pagkain

Mabilis na nag-viral sa social media ang video ng isang volunteer na minumura at dinuduro ng isang babaeng humihingi sa kanila ng pagkain.
Photo credit: Roseann Adelante

Sa TikTok video ni Roseann Adelante, makikitang isa siya sa mga volunteer na namamahagi ng pagkain sa mga kapos palad.

Habang namimigay ng pagkain si Roseann ay may isang babaeng umaalma dahil tila hindi agad ito naabutan ng pagkain.

Walang nagawa si Roseann dahil nagulat siya sa inasal at ginawa ng babae.

"yung MABUTING hangarin lang yung gusto mo nasaktan kapa pangarap ko talagang makatulong kaya nag volunteer ako..." sabi ni Roseann.

Panoorin ang video sa ibaba:

Agad-agad namang umalis ang babae matapos makuha ang pagkaing hinihingi habang si Roseann ay napasunod na lamang ng tingin at wala nang anumang sinabi o ginawa.
Photo credit: Roseann Adelante
Photo credit: Roseann Adelante

Ayon naman sa ilang netizens, tila may problema raw sa pag-iisip ang nasabing babae.

Hinangaan din nila si Roseann dahil hindi na nito pinatulan ang babae at hinayaan na lamang itong umalis.

Narito ang ilang komento mula sa mga netizens:




***
Source: KAMI

No comments:

Post a Comment