Friday, July 9, 2021

Bilyonaryong nobyo ng aktres na si Sue Ramirez, kilalanin!

Ang nobyo ng aktres na si Sue Ramirez ay mula sa pamilya ng mga negosyante at politiko. Siya ay si Javi Benitez, anak ni Alfredo “Albee” Benitez na consultant ng provincial government ng Negros Occidental.
Photo credit to the owner

Si Javier Lopez Benitez or mas kilala bilang si Javi Benitez ay ipinanganal noong ika-8 ng Oktubre 1994 sa Quezon City.

Nakilala si Javi sa mundo ng showbiz at napasama sa isang sports-themed show sa Studio 23 na ‘Sports Kid.”

Panandaliang nagpahinga sa showbiz si Javi upang ipagpatuloy ang kanyang pagaaral. Bumalik ito taong 2016 sa TV segment na ANC’ Game Changer.
Javi Benitez / Photo credit to the owner
Javi Benitez and Sue Ramirez / Photo credit: Sue Ramirez IG

Di nagtagal ay napabilang rin ito sa mga talents ng Kapamilya Network. Isa si Javi sa cast ng teleseryeng pinagbidahan ni “Angel Locsin” na ‘The General’s Daughter’.

Isang businessman ang role ni Javi sa nasabing teleserye.  Bukod pa rito ay nabigyan ng pagkakataon si Javi na bumida sa sarili nitong pelikula na “Kid Alpha One”.

Ang ama ni Javi ay chairman ng Leisure & Resorts World Corp., at ang nagmamay-ari ng Brightlight Productions na tinatayang may multi-million dollar deal sa GMA
Javi Benitez and Sue Ramirez / Photo credit: Sue Ramirez IG
Javi Benitez and Sue Ramirez / Photo credit: Sue Ramirez IG

Nagkakilala sina Sue at Javi noong naghahanap ang aktor na kanyang leading lady para sa pelikulang ginagawa ng Brightside productions.

Isang kaibigan naman ni Javi ang nagrefer kay Sue ngunit hindi ito tinanggap ng aktres dahil busy ang kanyang schedule. Gumawa naman ng paraan si Javi at nagpasyang pumunta sa concert Sue.

Di nagtagal ay nauwi sa pagiibigan ang dalawa, na inamin nila sa publiko noong August 2020. Ayon sa dalawa, hindi naman nito dineny ito.

Ayon kay Javi, “Hindi kami nag-deny. Kasi ‘pag totoo, tsaka mahal mo yung tao, kailangan sabihin mo sa mundo.”


***
Source: Viral Splash

No comments:

Post a Comment