Friday, August 27, 2021

10 taong gulang na batang walang kamay at paa, nangangahoy upang makatulong sa pamilya

Naantig ang puso ng mga netizens sa 10 taong gulang na batang walang kamay at paa ngunit nagagawa pa ring tumulong sa kanyang pamilya.
Franklin / Screencap mula sa video ni Virgelyncares 

Sa in-upload na video ng vlogger na si “Virgelyncares”, mapapanood ang batang si Franklin na kumukuha ng mga kahoy gamit ang itak habang hirap na hirap sa kanyang ginagawa.

Naabutan ng vlogger si Franklin habang nasa kakahuyan upang maghanap ng panggatong. Halos maiyak si Virgelyn sa kanyang nasaksihan dahil talagang nakakaawa ang itsura at lagay ng bata.
Franklin / Screencap mula sa video ni Virgelyncares
Franklin / Screencap mula sa video ni Virgelyncares

Makikita rin na may mga sugat sa braso at binti si Franklin dala ng kanyang paggapang.

Ayon kay Franklin, sanay naman raw siyang gumapang papunta sa kakahuyan. Kahit na may sugat siya ay tinitiis nalang niya dahil gagaling din daw ang mga ito.
Photo credit: Virgelyncares | Youtube
Photo credit: Virgelyncares | Youtube
Photo credit: Virgelyncares | Youtube

Napag-alaman ni Virgelyn na nagtitinda ng isda at mga kakanin ang nanay ni Franklin. Sakto lamang sa kanilang pang araw-araw ang kinikita nito.

Ayon sa nanay ng bata, kusa raw umanong kumukuha ng mga kahoy si Franklin dahil ayaw nitong naiiwan sa kanilang bahay at walang ginagawa.
Photo credit: Virgelyncares | Youtube
Photo credit: Virgelyncares | Youtube
Photo credit: Virgelyncares | Youtube

Kwento pa ng nanay, mahal na mahal niya ang kanyang anak kahit na ganoon ang sitwasyon nito. Aniya, hindi raw niya ito pinagsasalitaan ng masama o masakit dahil alam niyang masasaktan ito.
Photo credit: Virgelyncares | Youtube
Photo credit: Virgelyncares | Youtube
Photo credit: Virgelyncares | Youtube

Dahil sa kanyang awa at paghanga kay Franklin, binigyan ni Virgelyn si nanay ng sampuling libo upang maibili ang bata ng wheelchair.

Nagbigay ng 10 thousand ang vlogger pambili ng wheelchair at karagdagang 2 thousand para sa kanilang bigas.
Photo credit: Virgelyncares | Youtube
Photo credit: Virgelyncares | Youtube
Photo credit: Virgelyncares | Youtube

Sa sobrang saya ay napaiyak na lamang ang nanay ni Franklin. Lubos lubos ang kanyang pagpapasalamat kay Virgelyn.
Photo credit: Virgelyncares | Youtube
Photo credit: Virgelyncares | Youtube

Nagpasalamat naman ang mga netizens sa vlogger dahil sa kanyang ginawang pagtulong kay Franklin at sa pamilya nito. Anila, sana raw ay marami pa siyang matulungang kababayan natin na talagang kapos sa buhay.

Panoorin ang video sa ibaba:



***

No comments:

Post a Comment