Thursday, August 26, 2021

Lolo inabandona ng kanyang mga pamangkin matapos alagaan at pag-aralin

Ang pagtanaw ng utang na loob ay napakalaking responsibilidad para sa mga taong may totoong prinsipyo. Para sa kanila, ang utang na loob ay kailangan maibalik o mabayaran kahit papaano.
Lolo Ruben / Screencap from Archie Hilario video

Mayroon din namang mga walang pakealam o walang utang na loob matapos silang tulungan ng taong kanilang nilapitan.

Katulad na lamang ng isang 68-anyos na lolo na mag-isang naninirahan matapos umano siyang pabayaan ng kanyang mga pamangkin.

Sa video na in-upload sa Youtube ng vlogger na si Archie Hilario, dinurog ang puso ng mga netizens matapos nilang mapanaood at malaman ang kalagayan ni lolo.
Lolo Ruben / Screencap from Archie Hilario video
Lolo Ruben / Screencap from Archie Hilario video

Ayon kay Hilario, in-upload niya ang video at umaasang matulungan ang matanda ng mga netizens na may mabubuting puso.

Si lolo Ruben ay mag-isang namumuhay sa kanyang pinagtagpi-tagpi at sira-sirang tolda o tent. Wala umano siyang asawa at anak. Pumanaw na rin daw ang kanyang mga magulang. Mayroon siyang isang kapatid ngunit matagal na silang hindi nagkikita.
Lolo Ruben / Screencap from Archie Hilario video
Lolo Ruben / Screencap from Archie Hilario video

Kwento niya, noong siya ay bata at malakas pa ay mayroon siyang magandang trabaho kaya natulungan at napag-aral niya ang kanyang mga pamangkin.

Siya raw ang nagbabayad sa mga tuition fees ng mga ito hanggang makatapos ng high school. 

Sa ngayon ay may kanya-kanya ng pamilya ang mga pamangkin niya at hindi na niya alam kung ano ang nangyari sa mga ito.
Lolo Ruben / Screencap from Archie Hilario video
Lolo Ruben / Screencap from Archie Hilario video

Hindi rin daw siguro alam ng mga pamangkin niya kung ano ang sitwasyon at kalagayan ng buhay niya ngayon.

Dahil nahabag si Hilario sa kalagayan ni lolo Ruben ay nagprisinta siyang bilhan ng bubong ang tinitirhan ng matanda.

Habang nasa byahe naman sina lolo Ruben at Hilario ay naitanong ng vlogger kung ano ang mensahe niya sa kanyang mga pamangkin.
Lolo Ruben / Screencap from Archie Hilario video
Lolo Ruben / Screencap from Archie Hilario video

Sana man lang makita nila na ganito ang sitwasyon ko, kung maluwag man sila doon ay magbigay naman sila ng konting tulong sa akin,” sabi ni lolo Ruben.

Ito na ang sitwasyon ko, may edad na rin ako. May mga sakit sakit na rin ako sa katawan. Nag-iisa nal ang ako diyan,” dagdag ni lolo Ruben.

Matapos bilhan ni Hilario si lolo Ruben ng mga kagamitan sa kanyang bahay ay tila maiyak-iyak ang matanda sa pagpapasalamat sa Panginoon at sa vlogger.
Lolo Ruben / Screencap from Archie Hilario video
Lolo Ruben / Screencap from Archie Hilario video

Sa ngayon ay mayroon ng 3 millions views ang nasabing video.

Panoorin sa ibaba ang video:




***

No comments:

Post a Comment