Thursday, October 28, 2021

Ogie Diaz kinontra si BB Gandanghari matapos magbigay ng payo kay Kylie Padilla

Tila kinontra ng talent manager at comedian na si Ogie Diaz ang naging payo ni BB Gandanghari sa kanyang pamangkin na si Kylie Padilla patungkol sa kontrobersyal na isyung hiwalayan nila ni Aljur Abrenica.
Ogie Diaz and BB Gandanghari / Photo credit to the owner

Matatandaang naging usap-usapan ang hiwalayan nina Aljur at Kylie matapos madawit ang pangalan ni AJ Raval bilang 3rd party.

Payo ni BB kay Kylie na itago na lamang umano nila ang kanilang problema sa publiko.

Ang paghihiwalay is not a joke, masakit ‘yan. If there’s one thing, ang masasabi ko, try to keep your dirty linens in the washroom, if you know what I mean,” sabi ni BB.

“Try to keep things in private as much as possible kasi may mga anak kayo unang una, so yun lang. I think what they need to think about now are the children,” dagdag niya.

Ngunit para kay Ogie, dapat ay gawin din ni BB sa sarili niya ang payo niya kay Kylie.

“Kung maririnig ito ng iba na si BB sinasabihan ang kanyang pamangkin at si Aljur na itago niyo na lang yung dirty linen niyo, wag niyo na ipagpag sa public. Eh sino ka BB para magsabi ng ganyan sa kanila kung ikaw mismo hindi ka marunong magtago? Pinapagpag mo rin o ibinubuko mo rin in public with payment.” sabi ni Ogie.

Panoorin ang video ni Ogie sa ibaba:


***

No comments:

Post a Comment