Tuesday, March 22, 2022

Lalaking nagpa-tattoo nang hindi pinahintulan ng kanyang ama, viral

Ang pagkakaroon ng tattoo ay hindi na bago sa panahon ngayon. Kung dati ay masama o galing sa loob ng kulungan ang tingin ng mga tao sa mga may tattoo, ngayon ay hindi na.
Photo credit: Randy Ballesteros

Sa ngayon ay marami na ang nag iba ang paningin sa mga taong may tattoo. Ma-ikokonsidera kasi itong art at ekspresyon ng iyong pagkatao.

Subalit, marami pa rin ang hindi sang-ayon dito lalo na ang mga magulang. Para kasi sa kanila ay marumi itong tignan at hindi kaaya-aya lalo na kung ang kanilang anak ay menor de edad pa lamang.

Samantala, viral ngayon sa social media ang larawan ng isang lalaking nagpa-tatto sa kanyang dibdib.

Kung pagmamasdan ay napakaganda ng kanyang tattoo, ngunit hindi ito ang dahilan kung bakit nag-viral ang kanyang larawan. Mapapansin kasing may black eye ang lalaki.
Photo credit: Randy Ballesteros

Sa kanyang Facebook, ipinost Randy Ballesteros ang larawan ng lalaki na may caption na,

ung galit ni tatay pinakamatagal na 1 week dyan, ung blackeye naman 2weeks lang yan huhupa na yan. pero ang tattoo forever yan. wag na magtumpik-tumpik pa magpatattoo ka na.”
Photo credit: Randy Ballesteros

Sa ngayon ay umabot na sa 7.3k reactions at 11k shares ang nasabing larawan.



***

No comments:

Post a Comment