Tuesday, January 14, 2020

Gustong maging boyfriend si Idol Raffy! Pulubi sa Las Vegas binigyan ni Tulfo ng $100

Gusto raw maging boyfriend ng isang pulubi at PWD si Idol Raffy Tulfo matapos nitong bigyan ng $100 o mahigit P5,000 sa labas ng isang restaurant sa Las Vegas.
 Imahe mula sa Raffy Tulfo in Action Facebook page

Sa kanyang Facebook page na Raffy Tulfo in Action, sinabi ni Tulfo na natuwa siya sa African-American na babae dahil marunong itong magsalita ng Tagalog.

Nakasalubong niya ang banyagang PWD paglabas niya ng restaurant pagkatapos ng isang speaking engagement.

Narito ang kanyang buong post:

“Paglabas ko ng Max’s Restaurant sa Las Vegas, pagkatapos sa isang speaking engagement, isang African American na homeless at PWD ang aking nakasalubong.

Natuwa ako dahil marunong siyang magtagalog kaya inabutan ko ng $100.00. Hindi siya makapaniwala, at sa sobrang tuwa nasabi niyang gusto raw niya akong maging asawa.

Pero nang makita niya na kasama ko si Jocelyn, binawi niya at sinabing baka may nakatatanda na lang daw akong kapatid na pwede niyang maging boyfriend o pakasalan.

Calling Kuya Mon, hehehe!”
 Imahe mula sa Raffy Tulfo in Action Facebook page
 Imahe mula sa Raffy Tulfo in Action Facebook page


***

No comments:

Post a Comment