Thursday, January 23, 2020

Sirang ngipin nagdudulot ng sakit sa puso

ALAM ba ninyo na ang sirang ngipin ay puwedeng mag­dulot ng sakit sa puso?

Dalawang klaseng sakit sa puso ang puwedeng makuha kapag hindi tayo nagsisipilyo:
Photo credit to the owner

1. Impeksyon sa balbula ng puso – Ang tawag sa sakit na ito ay Infective Endocarditis, kung saan pinapasok ng bacteria ang balbula sa puso (heart valve). Delikado po iyan.

2. Bara sa ugat ng puso – Ang tawag dito ay coronary artery disease, kung saan nagbabara ang ugat sa puso. Puwede itong magdulot ng pananakit sa dibdib at heart attack. Ayon sa pagsusuri, ang mga taong may namamagang gilagid (gums) ay puwedeng magkaroon din ng sakit sa puso (heart attack) at stroke. Ito’y dahil ang impeksiyon sa bibig ay puwedeng kumalat sa ating dugo at magdulot ng pagbabago sa ating immune system. Dahil dito, namamaga rin ang ugat sa puso. Matindi talaga ang mga impeksyon sa bibig.

Paano pananatilihing mali­nis ang bibig?

1. Magsipilyo 3 beses sa isang araw. Ang bawat parte ng ngipin ay dapat i-brush ng 10-15 na beses. Magtagal ng 2 minuto sa iyong pagsisi­pilyo. Huwag magmadali.

2. Gumamit ng tongue clea­ner o panlinis ng dila. Ma­ra­ming bacteria ang puwe­deng manatili sa ating dila na nag­dudulot ng bad breath. Ma­tatanggal lang ito sa pa­ma­magitan ng tongue clea­ner.

3. Gumamit ng dental floss araw-araw. Ito iyung sinulid na pinapasok sa pagitan ng ngipin. May kamahalan pero ito lang ang tanging paraan para matanggal ang dumi sa pagitan ng ating ngipin.

Ayon kay Dr. Mehmet Oz, ang expert doctor ni Oprah Winfrey, ang hindi pagsisi­pil­yo ay puwedeng makabawas ng 3 taon sa ating buhay. Mag­sipilyo, mag-tongue clea­ner at mag-floss. Iwas sakit sa puso at iwas bad breath.


***

3 comments:

  1. Another information and more learning to me about healthy tips..tnxs a lot..

    ReplyDelete
  2. Also to know more and,educate about the meanings,the differences,the situations,the problems arising in some difficult situation,,..etc..

    ReplyDelete