Saturday, February 1, 2020

Foreigner, tinawag na 'stupid' ang mga taga-MMDA matapos masita ang sinasakyan niyang kotse

Tinawag ng isang foreigner na “stupid” ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) matapos sitahin ang sinasakyan nitong kotse dahil sa illegal parking violation sa Ortigas Center, Pasig.
Photo from GMA News

Hindi naman pinalampas ng MMDA ang pang-iinsulto ng dayuhan.

Ayon sa GMA News Online, nagalit umano ang foreigner dahil naghahabol ito ng kaniyang flight.

Hindi naman tinanggap ng MMDA ang dahilan ng foreigner dahil hindi ibinigay ng kasama niyang driver ang lisensiya para matiketan agad ito.

Dito na paulit-ulit na sinabihan ng foreigner na “stupid” ang mga tauhan ng MMDA.

Pero hindi pinalampas ni MMDA Special Clearing Operations Group head Bong Nebrija ang pang-iinsulto ng dayuhan at iginiit na ipinatutupad lang nila ang batas.

"We are not stupid. We are enforcers of the law. You do not call us stupid, you are in our country. We are enforcing the law," giit ni Nebrija sa dayuhan na tila nahimasmasan at humingi ng paumanhin.

Ayon kay Nebrija, hindi raw tatagal ng dalawang minuto ang pagbibigay ng ticket kung ibinigay lang kaagad ng driver ang kanyang lisensiya.

Panoorin ang video sa ibaba:



***
Source: GMA News Online

No comments:

Post a Comment