Wednesday, February 26, 2020

Matteo hinamon umano ng suntukan ang ama ni Sarah

Hinamon umano ni Matteo Guidicelli ng suntukan ang ama ng aktres/singer at ngayon ay kanyang asawa na si Sarah Geronimo matapos ang kontrobersyal nilang kasal.
Matteo Guidicelli, Delfin Geronimo at Sarah Geronimo-Guidicelli / Imahe mula MSN at Cosmo

Ikinuwento ng bodyguard ni Sarah na si Jerry Tamara sa kanyang interview sa “Raffy Tulfo in Action” ang nangyaring civil wedding nina Matteo at Sarah at kung papaano siya sinuntok ng aktor sa lalamunan.

Kwento ni Tamara, umaawat siya sa nangyayaring gulo sa pagitan nina Matteo at Mommy Divine. Doon na umano hinamon ng aktor ang ama ni Sarah.

Nagsabi po ako, ‘Sir, dapat hindi mo ginaganyan kasi magulang pa rin ni Mam Sarah ‘yan.’ Tapos maya-maya sir, umalis na naman siya. Tapos maya-maya, ‘yung tatay na naman ni Mam Sarah ang pinagdiskitahan niya,” kwento ni Tamara kay Tulfo.

‘O, nasa’n na ‘yung daddy ni Sarah?,’ sabi niya (Matteo). Sabi ko, ‘Sir, parating na po. Hintay lang po tayo.’ Sabi niya, ‘Pagdating nun, magsuntukan na lang kami’,” salaysay pa nito. 

Four times niya po niyaya yung tatay ni Mam Sarah na magsuntukan na lang.

Samantala, itinanggi umano ni Sarah, ayon kay VIVA Entertainment boss Vic del Rosario, na nangyari ang sapakan at may baril sa eksena.


***
Source: Abante

No comments:

Post a Comment