General Santos City - Inaresto ang isang Public School Teacher, 55 anyos, matapos umanong himukin ang mga tao sa social media na sugurin ang GenSan Gym kung saan nakaimbak ang mga relief goods.
Photo credit: Police station 6
Inaresto ang guro ng Regional Anti-Cybercrime Unit o RACU12 sa pangunguna ni Police Major Dofiles matapos umanong lumapit sa kanila ang City Legal Officer ng GenSan.
"Dumating sa Office namin si Atty. Arman Clarin and to our assessment pasok siya sa anti-cybercrime mandate namin dahil sa provoking post niya na hinihimok niya ang mga tao na pumunta sa GenSan gym at kunin 'yong mga relief goods doon," pahayag ni PMaj. Dofiles.
Kwento ni Dofiles, inamin ng guro na siya ang may-ari ng Facebook account na humikayat sa mga tao na sugurin ang Lagao Gym dahil nandoon nakaimbak ang mga relief goods.
"Panawagan sa mga wala ng makaing Generals. Sugurin niyo na ng sabay-sabay ang lagao gym. Nakatambak doon ang pagkain para sa inyo." (Post sa social media account ng guro)
Dismayado umano ang guro sa local government dahil hindi parin naipapamahagi ang mga relief goods sa mga residenteng apektado ang kabuhayan dahil sa ipinatupad na “extreme prevention on non-essential travel sa GenSan.”
Inaresto ng mga pulis ang guro kahit na walang arrest warrant.
"It was a continuing crime. Naka-post pa rin yong sinabi niya na pwedeng magresulta sa unrest at looting", dagdag na pahayag ni PMaj. Dofiles
Naka-hospital arrest ngayon sa isang ospital ang guro at haharap sa kasong inciting to sedition at nakatakda itong ihain sa Lunes. Pero posibleng kasuhan din siya ng cyberlibel.
"We have evidences na minura niya si Mayor Rivera and the city is planning to file cyberlibel against her," pahayag ni Dofiles.
Bukod sa guro, inaresto rin ng mga pulis ang kanyang anak matapos umanong pumalag sa pag-aresto sa kanyang ina.
Haharap din ito sa kasong obstuction of justice, disobedience to person in authority at direct assault.
Ayon naman sa Mayor ng Gensan na si Ronnel Rivera, minamadali na ang pagrerepack ng mga relief goods para maipamahagi na ito sa mga apektadong residente.
"We are doing our best para makapag repack tayo ng 64 thousand relief goods weekly good for 6 months. I will explain to her kung ano ang ginagawa ng city para matulungan ang ating mga kababayan dito sa GenSan", pahayag ni Mayor Rivera.
***
Source: TV Patrol South Central Mindanao
Yan kinulong..pero yung nagpositive sa covid19 tapos nagawa pang pumunta sa hospital at magsinungaling ni di man lang maparusahan..haist ang hustisya para lang sa may kapangyarihan..just saying..
ReplyDelete