Viral ngayon sa social media ang isang lalaking nagtangkang tumalon sa tulay sa lungsod ng Angeles, Pampanga.
Ayon sa Facebook post ng netizen na si Yahj Zerep, mabuti nalang daw at napigilan ng isang pulis ang pagtalon ng lalaki.
Kwento ni Yahj, depress umano ang lalaki dahil wala na itong maipang-tustos at maipakain sa kanyang pamilya.
Nakiusap si Yahj sa mga netizens na tulungan ang lalaki at mga tulad niyang kapos upang maiwasan ang paggawa ng masama.
Umani naman ng papuri sa social media ang ginawang kabayanihan ng pulis na sumagip sa lalaki.
Sa ngayon ay umabot na sa 5k shares ang post ng netizen habang sinusulat namin ang kwentong ito.
Narito ang buong post ni Yahj:
"Napigilan ng isang pulis ang lalakeng nagtangkang tumalon kanina sa abacan bridge lungsod ng angeles..
Ayon sa mga kaibigan at kamag anak nito na depress na daw ang lalaki dahil sa wala ng ipang tustos at ipakain sa pamilya nya..
Naway tulungan po natin ang mga kapus palad tulad ni manong para di na nya maisipan ulit ang pag papakamatay..
Sa pulis na tumulong kay manong saludo po ako sayo..hindi mo talaga sya iniwanan hangang dumating ang mga kamag anak nya..
Godbless po sayo mamang pulis 👮👮🙏😇
Paki share nalang po para makarating sa gobyerno ang problema nating mga pilipino.."
***
Source: Yahj Zerep | Facebook
No comments:
Post a Comment