Monday, April 20, 2020

Ogie Diaz nag-react kay Jay Sonza matapos siyang tawagin na “Asymtopangit”

Galit na galit at pikon na pikon ang comedian/manager na si Ogie Diaz kay dating newscaster at talk show host na si Jay Sonza.
Ogie Diaz at Jay Sonza / Photo credit to the owner

Tinawag kasi ni Sonza si Diaz na “asymtopangit”. Hango ito sa salitang asymtomatic na kung saan ay walang makikitang sintomas ang isang taong may sakit.

Sa kanyang Facebook post, sinagot ni Diaz ang Tweet ni Sonza. Kung makakadagdag pogi points daw umano kay Sonza ang paggamit sa kanyang pangalan ay hahayaan niya nalang ito upang magkaroon na siya ng pwesto sa gobyerno.



"Kung makakadagdag pogi points ke Jay Sonza ang paggamit sa pangalan ko, go lang. Sana, ikagwapo mo at magkaroon ka na din ng pwesto sa gobyerno na matagal mo nang inaasam-asam." sabi ni Diaz.

Dagdag pa nito, dapat raw ay mas sikat na personalidad ang gamitin ni Sonza upang mas mabigyan ito ng pansin.

Ayon pa kay Diaz, kung ang itsura raw ni Sonza ang batayan ng kagwapuhan ay mas okay na lang daw na pangit siya.

So sa yo pa talaga galing na pangit ako? Ikaw pa talaga ang nagsabi? Sure ka na ba? Hahahaha!” sabi nito.

Narito ang buong post ni Diaz:

“Kung makakadagdag pogi points ke Jay Sonza ang paggamit sa pangalan ko, go lang. Sana, ikagwapo mo at magkaroon ka na din ng pwesto sa gobyerno na matagal mo nang inaasam-asam.



Pag wala pa ring nangyari, mag-suggest na lang ako sa 'yo ng pwede mong gamiting tao, 'yung mas sikat kesa sa akin kasi gustong-gusto kong gumwapo ka at makapwesto ka man lang, dahil awang-awa na ako sa 'yo. Noon ka pa nagpapapansin, hanggang ngayon, waley pa rin naman.

Pangit ba talaga ako? Kasi, kung yung itsura mo ang batayan ng kagwapuhan, eh okay na pong pangit ako.

Hiyang-hiya naman ako sa mukha mong mala-porselana ang kutis.

Ikaw pa talaga ang nagsabi niyan? Sa 'yo pa talaga galing, ha? Talaga ba? Hindi nga?
Bigyan kita ng chance, ha? Pwede pang mag-change ang mind mo, ha? So sa yo pa talaga galing na pangit ako? Ikaw pa talaga ang nagsabi? Sure ka na ba? Hahahaha!”


***

No comments:

Post a Comment