Sunday, May 31, 2020

Jobert Sucaldito on ABS-CBN's CEO Carlo Katigbak: “Mukhang na-master na nila ang paawa effect.”

Kasalukuyang nakikipaglaban ang ABS-CBN Network para sa kanilang franchise renewal at nagkaroon ng iba’t ibang opinyon ang mga netizens patungkol sa isyu na ito.
Jobert Sucaldito and ABS-CBN's CEO Carlo Katigbak / Photo credit: Manila Bulletin

May ilang mga showbiz individual rin ang nagpahayag ng kanilang saloobin at isa na rito ay ang news anchor at columnist na si Jobert Sucaldito.

Sa kanyang Facebook account, nagpost ito ng isang pahayag para kay ABS-CBN’s CEO Carlo Katigbak.



ABS-CBN President Carlo Katigbak delivered his opening speech with an emotional appeal sa mga kongresista referring to himself as a beleaguered kapamilya fearing for the future of every employee that may lose job should they not be granted the much-needed franchise.”

Dagdag ni Sucaldito, patuloy raw ang ginagawang pagmamanipula ng ABS-CBN.

“Diyan magaling ang ABS-CBN – sa pagkundisyon sa mga utak ng sambayanan na para silang inaapi when in fact sila itong magaling mang-api sa kanilang mga empleyado in the past. Mukhang na-master na nila ang paawa effect para makakuha ng simpatiya sa bawat Pilipinong nabobola nila.”

Binanggit din ni Sucaldito ang ginawang pagsuspende sa kanya ng network kaya kaya wala itong trabaho at nakukuhang suweldo.

“Wala pang COVID19 nung sinuspinde ninyo ako indefinitely (WITHOUT PAY pa ang specifications ninyo) last January 10, 2020 sa DZMM at inabutan ako ng pandemic na walang trabaho. Naisip din ba ng ABS-CBN kung ano na ang ipapakain ko sa anak at pamilya ko gayong wala akong trabaho? Saan ako kukuha ng perang pambayad at baon ng anak ko sa eskuwelahan niya? Saan ako kukuha ng pambayad sa inuupahan naming apartment gayong wala akong suweldo? Pambayad sa ilaw at tubig?”

Aniya, 17 years na siyang nasa ABS-CBN at sa tingin niya ay napaka-unfair ng ginawang ito sa kanya.

“After more than 17 long years – nagawa niyo ito sa akin? In short, hahayaan niyo na lang kaming magutom until the end of the year? Mukhang ikasisiya pa nga yata ninyong makitang nagdurusa ako at hahayaang mamatay sa gutom kasama ng sampu sa aking pamilya. Iyan ba ang Kapamilyang sinasabi mo? Ngayon you are appealing to Congress na parang nag-aalala kayo sa mga buhay namin and referred yourself as a CONCERNED KAPAMILYA who cares for your employees. THAT’S A BIG LIE! YOU ARE NOT CONCERNED – sa totoo lang, YOU ARE VERY CRUEL!!!!! ABS-CBN IS VERY CRUEL in the guise of being mabait sa mata ng publiko..Kahit harap-harapan ay taas-noo kong sasabihin sa inyong YOU ARE VERY CRUEL!!!!!!!!”

Pinuri rin ni Sucaldito si Deputy Speaker Rodante Marcoleta sa ginawa nitong statement sa nakaraang hearing patungkol sa franchise renewal ng ABS-CBN.

“Inisa-isa niya ang alleged violations ng ABS-CBN sa Konstitusyon and very clear siya sa kaniyang defense on every allegations. From the citizenship ni Mr. Gabby Lopez who was a U.S. citizen when he acquired ownership during the Cory administration in the ’80s at nabigyan lang ng Filipino citizenship in 2002; the tax deficits of the network in many forms; the issues on frequencies, cables, PDRs and a lot more. Maliwanag ang kaniyang mga explanations."




***

No comments:

Post a Comment