Sa loob ng 13 taon, si Melvin Chua ay nagbebenta ng sponge na panlinis o ginagamit na pangkuskos para sa mga hugasing pinggan at mga kaldero.
Melvin Chua / Photo credit on his Facebook account
Sa mga kalye ng Makati City nagbebenta si Melvin dala-dala ang isang basket at isang malaking plastic na puno ng sponge na may iba’t ibang kulay.
Nagsimula sa pagbebenta si Melvin noong siya ay nasa elementarya pa lamang. Hindi naging hadlang ang kanyang kabataan upang makapagbenta ng sponge. Paglipas ng panahon ay nagkaroon siya ng mga loyal customer na naging kaibigan narin niya.
Sila ang mga kaibigan ni Melvin na nagpapahiram sa kanya ng payong tuwing tag-ulan. Paglipas ng panahon ay hindi na lamang itinuturing ni Melvin na hanapbuhay ang pagbebenta ng sponges kundi isa narin itong daan upang magkaroon siya ng mga kaibigan.
Pagkatapos ng 13 taon, nakapagtapos na si Melvin sa kolehiyo sa kursong Bachelor of Science in Business Administration, Major in Office Management sa University of Makati.
Isang araw bago ang graduation ay pinuntahan ni Melvin ang kanyang mga loyal customers upang ipamalita sa kanila na siya ay gagraduate na at upang magpasalamat din kanila.
“I am sharing this because I just can’t celebrate alone the success I made without sharing it to all of you,” sabi ni Melvin.
Narito ang buong post ni Melvin:
"MGA SUKI! GAGRADUATE NA PO AKO! MARAMING SALAMAT PO SA INYONG LAHAT! MAHAL NA MAHAL KO KAYO! GOD BLESS YOU ALL. DAHIL SA PAGLALAKO, NAKATAPOS AKO NG KOLEHIYO. NOW THE FIRST COLLEGE GRADUATE IN THE FAMILY. THANK YOU LORD!
Kung may isang bagay man akong ipagmamalaki sa buhay, yun ay ang ilang taon kong paglalako para makatulong sa pamilya at matulungan ko ang sarili kong makapag-aral.
After ng graduation practice namin, nagtinda ako with hope na sana makita ko ang karamihan sa mga suki ko. I really wanna tell them how thankful I am to all of them as they really contributed a lot and played a big role in my life for almost 13 years. Yes!! They witnessed my elementary, high school, and now my college Graduation. Sila yung mga taong kahit anong antas sa buhay- bumibili ng tig 5,10,15 20 kong paninda na panghugas ng plato.
Luckily, I was able to meet and thank personally some of them. At yung mga hindi pa, dito na lang. Wala pa kong sinasabi tinatanong na nila agad ako-
Ano graduate ka na ba? Kailan ka gagraduate? Tapos...
Ngingiti na lang ako at mapapaluha luha- Ate/Kuya gagraduate na po ako ngayong Thursday! Sa PICC. Maraming salamat po sa inyo! Super thank you po!!
Sila: Wow! Congratulations! Ang galing mo. Maliit ka pa dati. Elementary ka pa. Ngayon Gagraduate ka na sa College. So proud of you! Office management ka diba?
Ako: Opo! Thank you po. BS in OFFICE MANAGEMENT PO.
Sila: Galing mo! Akalain mo dahil sa pagtatiyaga mong maglako gagraduate ka na. Eh di hindi ka na maglalako nyan kasi sa office ka na magwowork? Galingan mo ah. Congrats sayo! Wag mo kaming kakalimutan.
My heart filled with so much love and joy after hearing all their "Congratulations!" and "So Proud of You". I know to myself I was able to thank them and show them my gratefulness for their kindness. Naiiyak iyak lang din ako habang ngumingiti sa kanila.
Sila yung mga taong- Oh! gabi na, naglalako ka pa! Ingat ka dyan sa daan.
Naulan bakit nagtitinda ka? Nagpapahiram ng payong para di ako mabasa.
Mahal na araw, naglalako ka pa din.
Balik ka dito sa pasko may regalo kami sayo. Etc.
Tuwing naglalako ako, hindi ko naisip na kailangan kong magtinda to survive kundi dahil masaya ako sa ginagawa ko at nakakatulong ako kay Mama.
And as I end this remarkable journey, ito yung araw na hinding hindi ko kayo malilimutang pasalamatan. From the bottom of my heart. SOBRANG MARAMING SALAMAT PO. Dahil sa pagbili nyo ng paninda ko, isang araw, isang linggo, isang buwan at isang taon ang nadadagdag para mapagpatuloy ko ang pag aaral ko at matulungan ko ang pamilya ko.
I am sharing this because I just can't celebrate alone the success I made without sharing it to all of you. Masaya po akong malaman na masaya kayo para sa akin dahil gagraduate na ko ng College. Maraming salamat po. Sobrang maraming salamat po. Para din po sa inyo ito.
Ano mang achievement ang maabot ko sa buhay, I will always be proud of it. Lagi po akong tatanaw ng utang na loob at malaking pasasalamat sa inyong lahat. Sana dumating ang panahong ako naman ang makatulong sa iba tulad ng pagtulong nyo sa akin.
I will always include you in my prayers. May God continue to bless, protect and love you all. All praises to you God!. Maraming salamat po.
Nais ko ding batiin ang lahat ng mga katulad kong nagtitinda para makatulong sa pamilya at makapagtapos ng paga-aral o mapagtapos nila ng pag aaral ang mga mahal nila sa buhay. Mahirap mang kumita at nakakapagod man madalas- pero masayang damhin ang tagumpay lalo na kung pinaghirapan at pinagsumikapan sa mabuting paraan. Dasal ko ang sabay nating pag-unlad sa buhay! Patuloy ang pangarap!
Marami pa akong gustong pasalamatan, pero sa ngayon, kayo muna mga Mahal, magaganda at naggagwapuhan kong Suki.
I love you Forever. Big love.
-Sponge
Bachelor of Science in Office Management
University of Makati"
Narito ang ilang komento ng mga netizens:
***
Source: Melvin Chua | Facebook
No comments:
Post a Comment