Thursday, May 21, 2020

Yassi Pressman ipinagtanggol si Coco Martin sa mga bashers

Ipinagtanggol ni Yassi Pressman si Coco Marin mula sa pambabatikos ng mga netizens matapos mag-viral ang kanyang livestream video sa #LabanKapamilya patungkol sa pagsasara ng ABS-CBN Network.
Yassi Pressman and Coco Martin / Photo credit: ABS-CBN

Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Yassi na mabuting tao si Coco at napatunayan niya ito sa tagal ng kanilang pinagsamahan sa “Ang Probinsyano.”

Mga kaibigan po, mga Kapamilya, mga Kapuso, at mga mahal ko pong mga kababayan... Si Coco Martin po ay ilang taon ko na pong kilala, at sa pagkakakilala ko po sa kanya ay mabuti po siyang tao,” sabi ni Yassi.

Pasensya na po kayo, kung sa pagkarinig po ninyo ay nadadala po siya sa kanyang emosyon, at 'yun po ay dahil mahal na mahal niya po ang mga ‘kapamilya’ niya. Kami po iyon... mga katrabaho, sa harap ng kamera at sa likod. Mga pamilya po niya,” dagdag niya.

Nakiusap si Yassi sa publiko na intindihin si Coco dahil ipinagtatanggol lamang nito ang kanyang pamilya.

“Katulad po nang pagtatanggol po ninyo sa mga kaibigan, kapatid, mga magulang, at anak.... ganun rin po ang tingin niya sa amin. Sana po maintindihan po ninyo,” sabi ni Yassi.

Salamat Coco, sa lahat ng mabuting nagawa mo para sa aming lahat, at hindi namin makakalimutan ang lahat ng iyon habang buhay,” dagdag ng aktres.


***
Source: ABS-CBN

No comments:

Post a Comment