Wednesday, July 1, 2020

J&T Express pinaiimbestigahan ni Duterte; NBI at BIR pinakilos

Matapos makatanggap ng samu’t saring reklamo at batikos ang courier na J&T Express dahil sa hindi magandang serbisyo, pinaiimbestigahan na umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing kompanya.
Photo credit to the owner

Sa kanyang speech nitong Martes ng gabi, sinabi ng pangulo na inatasan na niya ang National Bureau of Investigation (NB) at Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) para imbestigahan ang mga anomalyang pagkakawala ng laman ng mga package o pinapalitan na item.

"May isa dito na madalas akong makatanggap ng complaint. You better shape up. But I'd like you to know that I am ordering now, because CIDG is listening, the NBI to investigate you, at ang BIR to look into your finances," sabi ng pangulo.

Dagdag pa ng pangulo, pinapasilip narin niya sa Bureau of Interval Revenue (BIR) ang J&T Express kung nagbabayad ba ito ng tamang buwis.

Because of so many complaints I will close you down. Sigurado yan sasarhan talaga kita whether you like it or not after the CIDG and NBI would finish their investigation and would point a liability sa inyo,” sabi ng pangulo.

Hinikayat rin ng pangulo ang mga may reklamo o problema sa J&T Express na magsampa ng kaso sa himpilan ng pulisya at kung mapatunayang may kalokohan ang nasabing courier ay ipapasara niya ito.

"Sigurado 'yan. Sasarahan talaga kita, whether you like it or not, after the CIDG and the NBI would finish their investigation and would point the liability sa inyo," sabi ng pangulo.


***
Source: ABS-CBN

No comments:

Post a Comment