Wednesday, July 15, 2020

Lalaking nagnakaw ng motorsiklo, arestado matapos maaksidente

Arestado ang isang lalaki matapos itong masangkot sa isang aksidente sa San Jose Del Monte, Bulacan. Napag-alaman kasing nakaw pala ang gamit nitong motor na Mio 125.
Benjamin Alvarez / Photo from Remate

Ayon sa ulat ng Remate, kinilala ang suspek na si Benjamin Alvarez, 21 anyos, isang construction worker at residente ng Brgy. San Jose.

Sa report ni SJDM acting chief of police Lt. Col. Gil Domingo, isang caretaker ang nagreport sa kanila na nawawala ang kanyang motorsiklo na nakaparada sa isang subdivision bandang 12:05 ng madaling araw.

Sabi naman ni P/SSg Wenefredo Dalagan, Jr., nireport nila agad ito sa Highway Patrol Group at nangalap ang mga ito ng impormasyon sa CCTV sa lugar.

Napag-alam sa imbestigasyon na ang motor ng caretaker na si Ethel Lozada ay nasangkot sa isang aksidente sa Brgy. San Jose, Rodriguez. 

Narekober naman agad ang motorsiklo sa nasabing lugar at naaresto na rin ang suspek.

Nahuli rin ang kasabwat ng suspek sa pagnanakaw na si Rowie Perez, 26 anyos, isang sound system crew sa Graceville, SJDM.

Kasalukuyang nasa himpilan na ng pulisya ang dalawang suspek at sinampahan na ng kasong carnapping.


***
Source: KAMI

No comments:

Post a Comment