Binanatan ni Cavite Governor Jonvic Remulla ang mga gustong magpatupad ng shield sa gitna ng motorsiklo upang tuluyan ng payagan ang back-riding.
Cavite Governor Jonvic Remulla / Photo credit: Coconuts
Ani Remulla, mapanganib ang paglalagay ng shield o barrier sa motorsiklo. Dagdag pa ng governor, baka raw hindi sumasakay sa motor ang mga gumawa o nakaisip nito.
“Thank you for the new backride policy for couples. Unfortunately, kung sino man ang gumawa ng backshield design instruction ay kailanman hindi sumakay ng motor.”
“It is dangerous, inconvenient and most importantly, it does not make sense,” sabi ni Remulla.
Dagdag pa ng governor, ang pagsusuot ng face masks, jackets, helmets at paggamit ng couple passes ay sapat na umanong proteksyon para sa rider at angkas.
"Wasn’t it based on the point that couples who live in one house makes transmission less possible? Sana sapat na ang naka-jacket, face mask, helmet, at couples pass mula sa barangay," sabi ni Remulla.
***
Source: GMA News Online
No comments:
Post a Comment