Tuesday, August 4, 2020

Arnell Ignacio may paalala kay Jennylyn Mercado: "Wag n’yo na pasukin ang hindi niyo linya"

May payo at paalala ang comedian at news anchor na si Arnell Ignacio kay Kapuso aktres Jennylyn Mercado matapos ang sunod-sunod nitong pambabatikos sa gobyerno.
Arnell Ignacio and Jennylyn Mercado / Photo credit: ABS-CBN and Yahoo Philippines

Paalala ni Ignacio, dapat ay magresearch muna ang mga katulad ni Mercado na naglalabas ng kanyang opinyon sa social media dahil hindi nila linya ang usaping ‘politics.’ 

Payo lang, wag n’yo na pasukin ang hindi niyo linya. You have very successful careers dahil mahusay kayo sa linyang pag-aartista.”

Do not ever think the power of popularity will instantly translate into mastery of the political jungle. Wawasakin niyo mga careers ninyo,” dagdag ni Ignacio.

Ang tinutukoy naman na post ni Ignacio ay ang Twitter post ni Mercado kung saan tinatanong nito kung nasaan ang breakdown sa budget na inutang ng Pilipinas upang matugunan ang problema sa pandemya.

‘Nasaan napunta ang pera’, kita mo tuloy masasabihan ka ‘check-in mo nasa website ‘yan, ‘di ba? Mapapahiya ka pa,” sabi ni Ignacio.

Samantala, sa kanyang bagong Tweet, bakit raw may mga pinapatahimik ang kanyang pagsasalita. Dapat raw ay respetuhin ang kanyang opinyon.

The moment you hinder someone from speaking their mind to is the moment you failed to respect the rights of your Fellow Filipino…” tweet ni Mercado.

Aniya, bilang isang Pilipino at tax payer ay may karapatan siyang magsalita patungkol sa mga nangyayari sa ating bansa.

“May qualification ba dapat bago ka magkaron ng karapatan na magkomento sa mga isyung panlipunan?”

“Hindi ba sapat na mamamayan ka ng Pilipinas at nagbabayad ka ng buwis? Bakit kung kelan Pandemya na lahat tayo ay apektado saka ang iba ay pilit na pinatatahimik?


Panoorin ang video ni Ignacio sa ibaba:



***

No comments:

Post a Comment