Monday, August 24, 2020

Arnold Clavio kay Sarah Balabagan: WAG KANG AAMIN

Matapos ang dalawang dekada, ibinahagi ni Sarah Balabagan kung sino talaga ang ama ng kanyang panganay na anak.
Sarah Balabagan and Arnold Clavio / Photo credit to the owner

Sa kanyang Facebook live, inamin ni Balabagan na si Kapuso radio and TV anchor na si Arnold Clavio ang ama ng kanyang panganay na anak.

Ang ama po ng panganay ko ay yes, si Arnold Clavio po!” sabi ni Balabagan.



Matapos ang 22-taon, nailabas narin sa wakas ni Balabagan sa publiko ang katotohanan matapos ang haka haka tungkol sa ama ng kanyang anak.

Kaya ko to ginagawa dahil after 22 years, lumabas na naman. Sabi nga nila, walang bahong hindi lalabas. Hindi naman po ako nalungkot dahil by God’s grace, masaya na ako sa buhay ko,” sabi ni Balabagan.

Aniya, gusto niyang ilabas ang katotohanan habang nabubuhay pa siya.

Paano ‘pag wala na ako sa mundo? Tapos hindi ko ito kinorek? Baka mamaya maging multo pa ito sa anak ko,” sabi niya.

Ang paglilinaw na ito ni Balabagan ay upang pasinungalingan ang balitang si late ambassador Roy Seneres ang ama ng kanyang anak.



Si late Ambassador Roy SeƱeres po ang tumulong sa akin nu’ng ako ay nabuntis. Tinulungan niya ako para hindi kumalat sa public. Para hindi masira ang image ko noon at ‘yung image nu’ng taong ‘yun,” paliwanag ni Balabagan.

Kinupkop ako at itinago ni ambassador pero ang nakakalungkot, e, sinasabi nilang siya raw ang ama,” dagdag  niya.

Ibinahagi rin ni Balabagan kung papaano sila nagkakilala ng TV anchor.

Nagkakilala kami ni Arnold nu’ng panahong ako ay nakapiit pa at dinalaw nila ako doon. Naging close kami noon ni ‘Kuya Arnold’…at nu’ng umuwi ako sa Pilipinas noon August 1, 1996, isa po siya sa mga nag-cover ng kaso ko. Naging exclusive pa nga niya ang story.”

Aniya, nahulog raw ang loob nito kay Clavio dahil napapatawa siya nito noon sa kabila ng pinagdadaanan niyang hirap.



Kwento niya, mismong si Clavio ang nagsabi na huwag aamin kahit na anong mangyari.

Narito ang ilan sa mga sinabi ni Sarah Balabagan:

Ang tanong sakin bakit naitago mo?.”

Alam niyo po magmula nang magkaroon kami ng relasyon ni Arnold ang payo niya sa’kin agad is WALANG AMINAN.”

“Yun agad yung ano, kahit anong mangyari ‘WAG KANG AAMIN. So yun naman po,I was 17 years old nung panahong ‘yun.At talagang napaniwala niya ako. But again, hindi ko ija-justify yung kasalan ko, na nagawa ko.

Si Sarah Balabagan ay naging kontrobersiyal noong mid-90s nang nakulong siya sa UAE for murder. Gayunpaman, nakauwi siya sa bansa at ginawang pelikula ang storya ng kanyang buhay noong 1997. 

Sa kasalukuyan, mayroong 5-year-old at 1-year-old na anak si Sarah sa kanyang asawang si Jun Sereno.

Panoorin ang Facebook live video ni Balabagan sa ibaba:



***
Source: KAMI 

No comments:

Post a Comment