Monday, August 10, 2020

Bagong virus mula sa mga maliliit na insekto, kumakalat sa China

7 na ang nasawi sa bagong virus na kumakalat sa China mula sa maliliit na insekto habang 60 naman ang infected.

‘Tick-borne virus’ ang tawag sa baong infectious disease na ito sa China.

Ayon sa ulat, may posibilidad na ang transmission nito ay “human to human.”

Ayon sa Global Times, may 37 katao sa Jiangsu, East China ang nagtamo ng matinding lagnat at thrombocytopenia syndrome (SFTS) Virus simula Enero hanggang Hunyo 2020.

23 katao naman ang nagkaroon nito sa Anhui, Province, habang 7 ang nasawi mula sa Zhejiang province.

Nakitaan ng doktor ng sintomas sa virus ang isang babae mula sa Nanjing gaya ng lagnat, ubo, pagbaba ng leukocyte at blood platelet. Matapos ang isang buwan ay gumaling naman ang babae at nakalabas na ito ng ospital.

Napag-alaman naman na ang SFTS ay hindi bagong virus at nagkaroon na ng “isolated pathogen” ng virus na ito noong 2011 kung saan kabilang ito sa Bunyavirus category.


***
Source: Abante

No comments:

Post a Comment