Thursday, August 27, 2020

Pastor Quiboloy may banat kay Arnold Clavio: "Mayroon ka pa lang sikreto"

Naging usap-usapan sa social media ang pag-amin ng dating OFW na si Sarah Balabagan na ang ama ng kanyang panganay na anak ay ang Kapuso radio and TV anchor na si Arnold Clavio.
Pastor Apollo Quiboloy and Arnold Clavio / Photo credit to the owner

Hanggang ngayon ay tahimik at wala paring inilalabas na reaksyion o pahayag si Clavio.

Samantala, sa kanyang programang Sonshine Media International Network, sinabi ni Pastor Apollo Quiboloy na dapat ay harapin ni Clavio ang mga paratang ni Balabagan.

Harapin mo yung sinabi ni Sarah Balabagan. Mayroon ka pa lang sikreto rin na mas matindi. Tapos binabatikos mo ang Pangulong Duterte imbes na tumulong ka,” sabi ni Quiboloy.



Ani Quiboloy, kung ikukumpara raw ang mukha ni Clavio sa kanyang mukha ay mas katawa-tawa raw ito at mukhang puppet.

Tapos ginagawa mo akong katatawanan. Tignan mo ang mukha ko. Ito ba ay mukhang katatawanan? Itabi mo ang mukha mo sa akin, sino ang mukhang puppet sa atin?” tanong ni Quiboloy.

Ayon pa sa pastor, naka-BMW raw ang beteranong news anchor. Ngunit hindi sasakyan ang ibig nitong sabihin. 

Ako hindi naka BMW. Wala akong BMW. Ikaw ang alam ko naka BMW ka. Hindi kotse ibig kong sabihin.. Buhok Mo Wig!!!” sabi ni Quiboloy.

Pero kailangan mo rin ng kaligtasan kaya makinig ka sa akin,” dagdag nito.

Panoorin ang video sa ibaba:



***
Source: 

No comments:

Post a Comment