Sunday, September 6, 2020

Fitness model umani ng maraming batikos matapos niyang hiyain ang isang netizen

Umani ng maraming batikos ang isang fitness model at gym coach sa social media matapos nitong hiyain sa kanyang Facebook page ang isang netizen.
Rendon Labador / Photo credit from his Facebook page

Sa Facebook page ni coach Rendon Labador, ibinahagi nito ang isang screenshot kung saan mababasa ang post ng isang netizen na naglabas lamang ng kanyang opinion.

Pansin ko lng dto sa grupo nato..Pag may nagtatanung na hindi nila ka close or close friends ni walang response hindi papansinin ung post mo.or ordinaryo na tao lamang,” sabi nito.



Ganun ba dto pag ka level lng ba estado ng buhay ang papansinin lang..
Paano namn ung desidido matuto kawawa cla wala man lng guide na matino tatawanan pa,” dagdag ng netizen.

Kasama rin sa ipinost ni Labador ang kanyang sagot sa sinabi ng netizen. Ani Labador, palaasa umano ang ugaling ipinapakita ng netizen. Dagdag pa niya, hindi raw responsibilidad ng ibang tao ang tumulong kaya huwag raw itong magreklamo.

Huwag kang mag reklamo. Kumilos ka kasi sarili mo lang ang makaka tulong sayo. Buhay mo yan huwag i asa sa ibang tao. Kanya kanya tayo ng buhay.” sabi ni Labador.



Narito naman ang buong post ni Labador.

“Pansin ko sa attitude mo palagi kang umaasa sa iba. Hindi ka entitled sa tulong ng ibang tao tandaan mo yan. Hnd nila responsibilidad na tulungan ka. Huwag kang mag reklamo. Kumilos ka kasi sarili mo lang ang makaka tulong sayo. Buhay mo yan huwag i asa sa ibang tao. Kanya kanya tayo ng buhay. 

Check mo baka kaya ganyan padin ang buhay mo kasi ganyan ang mindset mo. 

Hindi porket hindi ka tinutulungan o hindi ka napansin ay i judge mo na ang ibang tao. 

Baguhin mo na kung paano mo tignan ang mga bagay bagay para maka kita ka ng pagbabago sa buhay mo. 

Yung iba nag effort mag post dito para ma inspire ka. Yung maliit na bagay na yun dapat thankful ka na. Hindi yung gusto mo isusubo nalang sayo ang success, walang ganyan. Kumilos ka din. Do your part. 

YOU’RE NOT ENTITLED”

Hindi naman nagustuhan ng mga netizen ang sinabi ni Labador at pamamahiya sa lalaking nagpost. Anila, bilang isang coach dapat raw ay hindi ganun ang naging sagot ng fitness model.

Narito ang iba’t ibang reaksyon ng mga netizens:




***

No comments:

Post a Comment