Sunday, September 20, 2020

Ogie Diaz kay BB Gandanghari: "Ang arte-arte mo pa. Bababae ka pa eh iihi ka naman nakatayo din.”

Rumesbak ang talent manager at comedian na si Ogie Diaz sa mga patutsadang ibinato sa kanya ni BB Gandanghari, ang bagong katauhan ni Rustom Padilla.
Ogie Diaz and BB Gandanghari / Photo credit to the owner


Matatandaang binatikos ni BB si Ogie sa kanyang YouTube vlog kamakailan.

At ikaw, Ogie Diaz, malaki ang utang mo kay Rustom. Meron kang atraso, alam mo iyan. Huwag kang magmalinis at hindi ako tatahimik para pabayaan kang magmalinis. Kapal nito,” sabi ni BB.

Sa bagong YouTube vlog, sinagot naman ni Ogie ang mga paratang sa kanya ni BB.

Akala nya sya lang may karapatan magsalita. Sasagutin ko lang, kasi nakarinig ako ng utang kaya hindi ako mapakali,” sabi ni Ogie.

Yung utang, utang na luob wala akong utang kay Rustom Padilla. Hindi ko kailangang i-dignify yan. Kahit sinong ituro niyo saakin, sinong pinagkakautangan ko sabihin mo saakin. Kung pera man yang tinutukoy mo BB, wala akong matandaan na may utang ako sa, kay Rustom nuong dating Rustom ka pa. Una, mas galante si Robin Padilla kaysa kay Rustom Padilla. Pangalawa, mabaet saakin si Rustom Padilla, pero hindi kami ganuon ka-close. Kung yung sinasabe mong utang kay Rustom Padilla ay kung may kasalanan ako kay Rustom, o may atraso ako sakanya, may nasabi akong hindi maganda sakanya. Tell me kung ano yung mga ebidensya mo. Kung may mga ebidensya ka, Tell me,” dagdag pa nito.

Ani Ogie, kung totoo ang mga sinasabi ni BB, dapat raw ay maglabas ito ng ebidensya.

Kung meron man, at maaalala ko na ‘oo nga may kasalanan ako kay Rustom’. Nako kahit mag bagong anyo ka, kay Rustom ako mag so-sorry hindi sayo. Kasi iniba mo yung itsura niya.

Pag ako pinaratangan ng may utang ako, dun ako aaklas. Talagang sabihin bang may utang ako kay Rustom, pera man yan, o atraso, o kasalanan. Patunayan mo nga kung ano nga yun, detalyado. Hindi yung sinabe mo lang. Ang arte-arte mo pa. Wag ng ano, wag ng bumabae. Bababae ka pa eh iihi ka naman nakatayo din.


***
Source: Showbiz Chika

No comments:

Post a Comment