Monday, September 14, 2020

Video ng matandang lalaking sinipa at ikinalat sa kalye ang 10kilo na bigas mula sa good samaritan, viral

Viral sa social media ang video kung saan makikita ang matandang lalaki na binutas, sinipa at ikinalat sa kalye ang sampung kilo ng bigas at ilang delata matapos ang pakikipagtalo sa isang babae.
Photo credit: Jose Hallorina

Nagsimula ang lahat nang magbigay ang isang good samaritan ng bigas at ilang delata sa mga taong nasa lansangan. 

Hindi alam ng good samaritan na dalawang pamilya pala ang mga ito. Kaya pag alis niya ay hindi na nagkasundo ang babae at matandang lalaki.


Hindi alam ng babae at matandang lalaki kung papaano nila hahatiin ang binigay ng good samaritan kaya nag-agawan sila at nag-away. 

Mabuti na lamang at bumalik ang good samaritan at isa pang netizen upang mamagitan sa kanila.

Sinubukan nilang kausapin ang matandang lalaki ngunit galit na galit ito. Kinilala naman ang isang netizen na si Jose Hallorina, isang social media influencer.

Kinausap ni Hallorina ang matandang lalaki at sinabing sa kanya na lamang ang bigas dahil nagbabanta na itong sisipain at ikakalat.

Wag na lang kayong mamigay para walang away,” sabi ng matandang lalaki.

Sa tindi ng galit ng matanda, pinagsisipa nito ang bigas na nasa plastic dahilan upang kumalat ito sa kalye. 
 Photo credit: Jose Hallorina

Pagkatapos ng kanyang ginawa ay agad nang umalis ang matandang lalaki.

Photo credit: Jose Hallorina

Nagtulong tulong naman sina Hallorina at iba pang napadaan upang pulutin o damputin ang nagkalat na mga bigas sa kalye.

Maya-maya ay bumalik ang matandang lalaki dahil gusto raw nitong mangatwiran.
Photo credit: Jose Hallorina

Aniya, sakim raw ang babaeng pinagbigyan ng bigas at delata.

Ayusin niyo ang pagbigay niyo,” pangangatwiran ng matanda.

Ang dami niyong binigay, isang tao lang bibigyan niyo. Eh kami nagugutom rin kami,” dagdag ng matanda.

Sinubukang kausapin ni Hallorina ng mahinahon at bigyan ng bigas ang matandang lalaki ngunit tumanggi ito.


“Ibigay mo na lang yan sir sa nangangailangan.

Ayaw ko na niyan. Ibigay mo sa nangangailangan,” dagdag ng matanda.

Panoorin ang buong video sa ibaba:


Nakakalungkot na sa hirap ng buhay at sa dami ng taong nagugutom, nagagawa pa ng ilan sa atin ang magsayang at magtapon ng pagkain.


***

No comments:

Post a Comment