Sa isang presscon ng WeTV kahapon, November 18, may panawagan ang aktor na si Aga Muhlach sa kanyang mga kababayan.
Ito ay ipagpatuloy lamang ang pagtulong sa mga nangangailangan.
"Unang-una, maraming salamat sa lahat ng walang tigil na tumutulong. Sa akin lang naman, parang may sakuna man o hindi, parati naman taon-taon may nangyayari sa atin, especially this year na marami tayong pinagdadaanan talaga.”
“Bilang payo sa lahat, tumulong na lang tayo nang tumulong. May mga tao naman din na walang tigil tumutulong. May gobyerno pa rin tayo, may mga tao na maaayos na tutulong talaga. May Diyos pa rin tayong lahat.”
"Basta sa atin lang, gawin natin yung hanggang kaya natin. Bukal sa puso natin parati. Tumulong lang tayo nang tumulong," sabi ni Aga.
Dagdag niya, "Napakahirap ng nangyayari sa bansa natin, mahirap ang bansa natin, marami ang naghihirap.
"May bagyo man o wala, may pandemya man o wala, marami ang naghihirap. So, hanggang kaya natin tumulong, tumulong na tayo.”
"Again, hindi naman sa laki ‘yan. Basta may maitulong, hindi rin parating pera. Minsan, salita mo lang, napakalaking bagay o ang oras mo. 'Tapos kapit lang lahat, lalagpas lahat ‘yan."
***
Source: PEP
No comments:
Post a Comment