Halos 80 milyon, ganyan karami ang bilang ng Facebook users sa Pilipinas. Kaya't sino ba naman ang hindi magkakaroon ng ideya na magbenta o magnegosyo gamit ang plataporma na ito?
At sa dami nga naman ng kompetisyon ay siguradong may kanya-kanya ring pakulo o gimik ang bawat negosyante upang maging natatangi sa mga mamimili.
Imahe mula kay Marky Bee | Facebook
Gaya ng isang ito na kumakalat ngayon sa social media, dahil sa kakaibang "marketing strategy" na ginagamit upang makahimok o maka enganyo na bumili ng kanilang paninda.
Bukod sa mga items ay ang naglalakihang mga dibdib ang bumabandera sa tuwing naglalako ng sapatos o relo ang dalawang babaeng ito. Marami ang nag "like" (karamihan mga lalake) ngunit meron din namang tila hindi natuwa.
Imahe mula kay Marky Bee | Facebook
Imahe mula kay Marky Bee | Facebook
Sa Facebook post ni Marky Bee ay naglabas siya at naghayag ng kanyang opinyon, patungkol sa mga babaeng online seller na ito.
Marami naman ang pumanig sa kaniyang komento, ngunit ayon kay Marky ay marami din ang mga netizens na bumabatikos sa kaniyang ipinahayag.
Ayon pa sa kanya, madalas ay good vibes naman ang gusto niyang ipahatid gamit ang kanyang facebook account ngunit hindi nga naman sa lahat ng oras ay ikatutuwa ito ng mga makakabasa.
Imahe mula kay Marky Bee | Facebook
Imahe mula kay Marky Bee | Facebook
Narito ang viral facebook post ni Marky:
"Online live-selling ang scenario ha pero naka-face mask pero ang suso nakalabas. Only proves that in some people, ang utak nasa ibaba wala sa itaas. Hindi maganda. Sometimes we can’t blame men objectifying women as sex symbols. And sometimes it’s not worth-it to use that “Rape Exists Because of Rapists” argument. Mas maiintindihan pa natin kung ang ibenebenta mga bra, bralettes, sports bra or breast enhancement pills. Pero anong connect ng sapatos sa suso? I’m calling this out because as an online seller, I could say nakakasira ng imahe ng online selling community. Produkto hindi prostitusyon. Admit it or not, their marketing strategy has a sexual overtone. Nadadamay ang mga matitino. naDEDEpressed ang mga flat."
Imahe mula kay Marky Bee | Facebook
Ito naman ang post ni Marky na nauna nang nag-viral sa social media:
Imahe mula kay Marky Bee | Facebook
Patuloy na kumakalat ang mga litrato ng viral Facebook live sellers ngunit tila hindi pa natutukoy ang kanilang pagkakakilanlan.
No comments:
Post a Comment