Ang paglaki ng mag-isa at walang kasamang mga magulang ay isa sa pinakamahirap na sitwasyon para sa isang anak.
Ito ang sitwasyon ng ilang mga bata sa buong mundo kabilang na ang Pilipinas. Maraming bata ang naulila kaya sa kanilang murang edad ay kailangan nilang kumilos upang may makain sa araw-araw.
Kabilang na dito ang kwento ng isang batang may matinding karamdaman na ngayon ay viral sa socila media.
Sa Facebook post ng netizen na si Andrew Alon, ibinahagi nito ang nakakaawa at nakakadurog na kwento ng isang batang namamalimos sa kalye.
Ayon kay Andrew, nasa isang mall siya noon sa Muntinlupa nang makita ang bata. Nilapitan niya ito at nakilala ang bata na si Tristan Dynel Pillogo from San Antonio, Binan Laguna.
Nakasuot lamang si Tristan ng shorts at jacket. Ang kanyang kanang paa ay namamaga at hirap itong maglakad.
Humingi ito ng tulong kay Alon. Aniya, may sakit raw siya sa kidney.
“Nakita ko po itong batang ito na lumapit sakin dito sa SM Tunasan at humingi ng pambili ng gamot niya, kais may sakit daw siya sa kidney at manas ang kanyang paa. Ulila na daw sa magulang niya at taga-Binan pa daw po siya. Sana po may makatulong po sa kanya.”
Ayon pa kay Tristan, wala na raw siyang mga magulang na malalapitan kaya naman umaasa na lamang ito sa pamamalimos.
Araw-araw ay kung saan saan umiikot at pumupunta si Tristan para mamalimos upang may maipambili ng kanyang gamot.
Sa isang komento naman ng netizen na si Mhay Salacayan Bachar, sinabi nito na madalas si Tristan noon sa Starmall. Customer niya raw ito sa paglalaro. Aniya, minsan raw ay buong katawan ng bata ay namamaga. Kaya minsan hindi na niya ito sinisingil ng bayad.
***
Source: DB Sights
No comments:
Post a Comment